AGRICULTURE Secretary William Dar
POL MONTIBON
IBINUNYAG ng Department of Agriculture na galing sa mga ipinuslit na pork products mula China ang lumaganap na african swine fever (ASF) sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Agriculture Secretary William Dar matapos makumpirma na ang mga nakumpiskang smuggled meat products mula China noong nakaraang buwan ay nagpositibo sa ASF.
Kabilang dito ang dimsum, dumplings, peking duck, fresh frozen duck deserts, pork meat and pork products, marinated chicken wings, minced vegetables with meat, itlog at noodles.
Nabatid na nakapasok sa Port of Manila ang mga refrigerated container vans lulan ang nasabing mga produkto na idineklarang tomato paste at vermicelli.
Bukod dito, sinabi ni Dar na ang ASF outbreak ay maaaring mula rin sa swill feed o mga kaning baboy na itinapon sa Rodriguez, Rizal at naipakain sa mga alaga.