SMNI NEWS
MATAPOS ang ilang buwang pananahimik, pinalagan na ng action star na si Robin Padilla ang mga akusasyon laban sa kaniya kaugnay ng 2019 midterm elections.
Nagsalita na ang Bad Boy of Philippine Movies tungkol sa mga paratang sa kaniya na pera at personal na interes ang nagtulak sa kaniya para iendorso ang ilang kandidato nitong nagdaang eleksyon.
Sabi ni Robin, pagmamahal sa bayan, sariling prinsipyo at paniniwala ang nag-udyok sa kaniya upang maglaan ng panahon na suportahan ang ilang kandidato noong eleksyon.
Giit pa nito, boluntaryo ang kaniyang ginawa at kailanman ay hindi naging dahilan ang pera, personal na interest at paninira kundi para aniya ito sa katotohanan lamang.
Humingi rin ng tawad ang aktor sa lahat ng kaniyang nakaalitan dahil sa pagkakaiba ng paniniwala sa politika.
Kasunod ito nanawagan si Robin sa publiko na ngayong tapos na ang halalan ay isantabi na ang pulitika at magkaisa sa law and order.
Ilan sa sinuportahan ni Binoe sa pangangampanya ay ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Bong Go at Bato Dela Rosa.