HANNAH JANE SANCHO
Handa ang Palasyo na tanggapin ang magiging desisyon ng Presidential Electoral Tribunal o PET sa electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tatanggapin ng MalacaƱang ano man ang kalalabasan ng desisyon.
Aniya, hindi nakikialam ang Palasyo sa trabaho ng co-equal branch ng gobyerno. Dapat hayaan nalang din aniya ang mga kampo nina Marcos at Robredo na iprisinta ang kanilang kaso sa korte.
Payo rin ng Panelo sa publiko, gaya ng Palasyo dapat tanggapin rin ng taumbayan ang magiging desisyon ng PET Extro