Pinas News
PAGKUMPIRMA umanong tama si Senador Antonio F. Trillanes IV, matapos kumpirmahin ng Ombudsman na ang mga dokumentong isinumite sa kanila ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) patungkol sa mga bank accounts ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ay “more or less” katulad ng kanyang mga inilantad sa publiko.
Sinabi ni Trillanes na ito ay nagpapatunay na ang mga paratang tungkol sa pangulo na billion-peso bank accounts ay totoo.
Noong kampanya noong isang taon, una nang pinaratangan ni Trillanes si Duterte na mayroon siyang mahigit kumulang 2-bilyong piso sa credits and deposits sa maraming bank accounts sa ilalim ng kanyang pangalan. Inulit ni Trillanes ang nasabing alegasyon noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Matatandaaan na noong nakaraang linggo, ay naghamon si Duterte, na kapag may nakita P200-million sa bank account nito si Trillanes ay dapat bumaba sa pwesto bilang senador ng bansa.