Makakaranas ng water interruption sa araw ng Miyerkules ang mahigit limampung libong kabahayan sa ilang bahagi ng Marikina City at mga kalapit na lugar gaya ng San Mateo at Rodriguez towns sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa Manila Water, mahihinto ang water service upang bigyang-daan ang pag-repair sa leak sa Becco Creek sa barangay Burgos, Rodriguez.
Magsisimula ang pagkawala ng suplay ng tubig mula alas-8:00 ng gabi ng Miyerkules hanggang alas-6:00 ng umaga kinabukasan, araw ng Huwebes.
Tiniyak naman ng manila water na magpapadala sila ng mga water tanker sa may labing siyam na villages na maaapektuhan ng pagkawala ng suplay ng tubig.