ISANG 40 taong gulang na lalaki patay matapos makalunok ng buhay na isda sa Kidapawan. Nasundan naman ito ng 11 anyos na batang lalaki na nakalunok din ng buhay na isda sa Siquijor.
Si Rojer, 50 taong gulang mula naman sa Antique, patay din nang isugod sa ospital matapos makalunok ng buhay na tilapia habang nangingisda. Ayon sa asawa ng biktima, pagkagat sa isda ang kanilang paraan upang mahuli ang mga ito na sya namang naging dahilan ng kamatayan.