SEN. Richard Grodon
ADMAR VILANDO
PINATITIGIL na ni Sen. Richard Grodon sa Philippine National Police (PNP) ang pagpapatapon ng mga tiwaling pulis sa Mindanao.
Iginiit ni Gordon, dapat tanggalin na sa puwesto ang mga tiwaling pulis at hindi dapat ilipat lamang sa ibang lugar.
Sinabi ni Gordon na hindi makatarungan na sa magandang lugar katulad ng Mindanao dinadala ang mga nagkakasalang pulis.
Ayon sa senador, nasasayang lang ang pera ng gobyerno dahil kinakailangan pang i-monitor ang mga pulis na itinatapon sa Mindanao sa halip na inaalis sila sa hanay ng PNP.
Maging sina Senators Panfilo Lacson at Ronaldo Dela Rosa na kapwa naging PNP Chief ay inamin na nakagawian na ng pambansang pulisya na ipadala sa Mindanao ang mga tiwaling pulis upang malayo sa kanilang mga iligal na aktibidad.
Pero ayon kay Gordon, kung may nagkasala ay dapat imbestigahan at kasuhan.