Ni: Ana Paula Canua
ANG dating nasisilayang kagandahan nga-yon ay kailangan nilang layuan dahil sa banta sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang kabuhayan. Ito ang hamon na patuloy na kinakaharap ng mga Albayanos mula sa alburuto ng bulkang Mayon.
Aaabot sa 19,113 pamilya o 72,441 katao kaila-ngang iwan ang kanilang tahanan pati na rin ang kanilang kabuhayan upang mapanatili lamang ligtas sa peligrong dala ng pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas, ang Mayon.
Maabutan man ng pantawid gutom at relief supplies, hindi pa rin madali ang buhay sa evacuation center, nakalayo man sila sa abo, malapit naman sila sa banta ng mga nakakahawang sakit mula sa kanilang kapwa bakwit.
Sa tala ng PHILVOCS hindi pa tiyak kung hanggang kailangan titigil ang pag-aalburuto ng bulkan, hindi rin sigurado kung hanggang kailan makakaahon ang mga residente na nakatira sa 9-kilometer extended permanent danger zone lalo pa’t napinsala ng abo ang kanilang mga pana-nim at alagang hayop.
Kaya bilang simula sa kanilang pag-ahon sinimulan ang programang Cash-for-work para kahit paano ay magkaroon ng kita ang mga eva-cuees na nasa 88 temporary shelters.
TUPAD
Upang palawakin pa ang tulong na inaabot sa mga evacuees na apektado ng pag-alburuto ng bulkang Mayon, pinangunahan ng Department of Social Welfare and Developement (DSWD), lokal na pamahalaan ng Albay at ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsisimula ng Cash for work program na “Tulong Pangkabuhayan sa Displaced Workers” program o TUPAD, nang sa gayon kahit na nasa evacuation ay magkaroon pa rin ng kita ang mga residente.
Kabilang sa mga trabahong nakapaloob sa cash for work ay may kaugnayan din sa tulong sa kapwa evacuees nila tulad ng preparedness, mitigation, relief operation, rehabilitation at risk reduction projects. Kahit ang mga simpleng trabaho gaya ng pagpapanatili ng kalinisan sa temporary shelters tulad ng pagwawalis, pag-aalis ng basura, pagkukumpuni at construction work ay kasama rin sa mga babayaran.
“We are not strict with the time. What is important is they engage themselves doon sa trabaho…The only condition is one, nandoon sila sa evacuation center. Pangalawa kasama sila sa work program ng camp manager,” paha-yag ni Rosalinda dela Rosa, DOLE-Bicol assistant regional director.
Nakasaad sa Memorandum of Agreement na tatanggap ng P290 kada araw na kita ang mga kukuning empleyado,ngunit ang sistema makukuha ng mga empleyado ang kanilang sahod kada ika-limang araw ng paggawa na aabot sa P1,450. Base sa timetable ng ahensya tatagal ng sampung araw ang cash-for-work program.
“The PHP2,900 for a 10-day work may sound minimal amount but the intention of the program is to provide emergency work or temporary income for displaced workers and we would want to cover as many affected families as the available funds will allow,” sabi naman ni Regional Director Exequiel R. Sarcauga
Nakapagtala naman ng 139 na empleyado mula sa Bacacay, Albay, 3,035 sa Camalig, 2,658 sa Daraga at 3,264 sa Guinobatan.
Mayroon ding 4,074, sa Legazpi, 1,368 sa Ligao City at 1,925 naman sa Tabaco City. 1,329 sa Malilipot at 3,578 empleyado naman sa Sto. Domingo.
Nakaantabay naman ang DSWD-Bicol Region sa programa upang masigurado na maayos ang implementasyon nito at matiyak na nakukuha ng mga empleyado ang kanilang sahod.
MEGA TENT CITY
Nag-alok na rin ng tulong ang Bicolano businessman na si Elizalde Co upang ga-wing tent city ang kanyang 40 hectares na lupain na kayang mag-accommodate sa 50,000 na pamilya.
Nakipag-ugnayan sa LGU sa pamamagitan ni Albay Governor Al Francis Bichara si Elizalde “Zaldy” S. Co, CEO ng Sunwest Group of Companies para gawing pansamantalang tent city ang lupain ng kompanya sa Barangay Lamba, Legazpi City.
“Zaldy offered his prime lot for free as temporary shelter of Mayon evacuees, that could accommodate 50,000 families,” giit ni Bichara.
Mayroon ng water supply ang nasabing lugar na maa-ring mapagkuhaan ng mga evacuees.
“We are recommending to other local government units affected by the Mayon eruption to build a temporary tent city so the schools can be used by the students,” Bichara added.
Kapag natuloy lubos na makikinabang ang mga eva-cuees sa Legazpi City na may pinakamaraming bilang ng bakwit sa aabot sa 4,074 na pamilya o 15,474 katao.
Plano ng pamahalaan ng Albay na masiguradong may sapat na layo sa isa’t isa ang mga tent upang maiwasan ang paglaganap ng nakakahawang sakit . Sa ngayon aabot sa 533 katao ang minomonitor ng Albay Health authorities na may sakit gaya ng ubo, respiratory infection, lagnat, loose bowel movement at skin diseases.
Ayon naman DOH Bicol director Napoleon Arevalo nakatanggap ng tulong mula sa DOH ang probinsya na aabot sa P4,358,904 halaga ng gamot para sa mga evacuees.
Naluging Kabuhayan
Samantala aabot naman sa P105,701,466 halaga ng agricultural crops at P25,569,000 na livestock at poultry products ang napinsala matapos ang sunud-sunod na pagbuga ng abo at lava ng bulkan.
Bilang paunang suporta naglabas ng ang pamahalaan ng P70 million tulong sa mga evacuees. Nasa plano pa lamang at wala pang livelihood program at rehabilitation na inilalabas ang pamahalaan upang matulungan ang mga naluging kabuhayan ng mga evacuees.n