PINADADALI ng teknolohiya ang halos lahat ng ating gawain, gaya na lamang sa paglalakbay, pagbibilang at pakikipag-usap. Dahil dito hindi maikakaila na marami sa atin ang nagiging dependent dito, malaking bahagi ng ating pamumuhay ang nakaasa sa bilis at ginhawang dala ng ng ating cellphones, computers, smartwatch at ilan pang gadgets.
At dahil para sa lahat ang teknolohiya gaya ng lubos nating pakikinabang dito, gayundin ang dala nitong kaginhawaan lalung-lalo na sa mga may espesyal na pa-ngangailangan gaya ng mga may problema sa paningin at pandinig. Bagamat may sariling sistema ang mga may kapansanan, hindi rin naman masama kung susubukan ang technological assistant advancements na ito. Kaya naman narito ang mga mobile apps na maaring idownload upang makatulong sa kanila na masigurado ang kanilang kaligtasan at kasiguraduhan.
Para sa mga may problema sa paningin at bulag: LookTel at Nant Mobile Money Reader
Parehas na money identi- fying app. Kailangan lamang na itapat sa camera ang pera at matutukoy na ng app ang halaga nito. Sa pamamagitan ng voice-command nito sa-sabihin ng app ang denomination ng pinakitang pera. Sa ngayon tanging 20 currencies pa lamang ang suportado ng dalawang app: ang US Dollar, Australian Dollar, Bahraini Dinar, Brazilian Real, Belarusian Ruble, British Pound, Canadian Dollar, Euro, Hungarian Forint, Israeli Shekel, Indian Rupee, Japanese Yen, Kuwaiti Dinar, Mexican Peso, New Zealand Dollar, Polish Zloty, Russian Ruble, Saudi Arabian Riyal, Singapore Dollar, at United Arab Emirates Dirham. Ang magandang balita hindi na kailangan ng internet connection para magamit ang apps na ito.
Say Text app
May kakayahan ang app na iscan ang text sa makikita sa camera gaya halimbawa ng billboards, street signs, restaurant menus, at label sa mga gamot. Sa pamamagitan ng Optical Character Recognition utility nababasa ng app ang mga text na nakasulat at binibigyang boses ito para marinig ng gumagamit.
GreenGar Studios’ Color Identifier at Color ID Free
May kakayahan naman na malaman ng dalawang app na ito ang kulay na itatapat mo sa camera at isaboses ito. Sa tulong nito hindi na muling makapagsusuot ng maling pares ng medyas ang gumagamit. Maari ring matukoy ng app ang kulay ng kalangitan, gaya na lamang kung makulimlim o pababa na ang sikat ng araw.
Nearby Explorer, The Seeing Eye GPS App, BlindSquare, at WalkyTalky mula sa Eyes free project
Bukod sa walking stick at service dog, malaking tulong rin ang mga sumusunod na apps para malaman ang direksyon at destinasyon na nilalakad ng user. At kapag lumiko sa maling direksyon, magvivibrate ang cellphone at sasabihin kung saang direksyon ito dapat lumiko para marating ang tamang daan.
Talk back
Bahagi ng Google Android Accesibility Service ang app na ito. Pumunta lamang sa Settings pindutin ang Accesibility at i-enable ang talkback. Sa pamamagitan nito bibigyan ng boses ng inyong cellphone ang lahat ng options at apps na inyong pipin-dutin gayundin ang inyong pagbabasa at paggawa ng mensahe.
Learning ally Audio at Kindle Audio books
Hindi lamang sa pamamagitan ng braille maaring makabasa at makapag-aral. Sa pamamagitan ng book reading apps, maari ng magkaroon ng access sa textsbooks at nobela ang mga bulag, visually- impared at may learning disabilities.
ScanLife Barcode, QR reader at Talking Tag LV
Kung nais mamili o di kaya ay para lamang malaman kung tama ba ang makuhang jar sa ref. Maaring gumamit ng mga apps na ito, kailangan lamang na itutok sa camera ang QR code ng produkto at sasabihin ng app kung anong pagkain o bagay ang inyong makuha. Malaking tulong ito lalo na sa mga may kapansanan na naiiwang mag-isa sa bahay.
Para sa mga hirap sa pandinig: TapTap, Braci at MyEarDroid
Nagbibigay babala ang mga applications na ito sa malapit na tunog sa inyong paligid halimbawa ay ang busina, doorbell, firealarm, o ‘di kaya ay tawag sa telepono. Magvivibrate o di kaya ay magfaflash ang screen kapag may natukoy itong malapit na tunog. Lalabas sa screen ang pinagmumulan ng tunog at kung anong ingay ito.
Ava
Isang portable translator. Maaari nitong itranslate sa text ang naririnig nitong salita, mas mabilis at madali kumpara sa pagsusulat. Hindi lamang sa isang kausap, kaya rin nitong makipagsabayansa group discussions.
UHear
Isang hearing loss screen test app. Kung nais mong malaman kung nasa normal range pa ang iyong pandinig, idownload lamang ang app na ito.
Vox Sciences
Kung sakaling makatanggap ng voicemails, itatranslate ng app na ito sa text at isesend via SMS message at email ang mensahe.
Pedius
Isang voice recognition software. Kung halimbawa nakatanggap ng tawag ang isang bingi o mahina ang pandinig, maaring itranslate ng app sa text-format ang sinasabi sa kabilang linya. Sa app na ito walang third –party translator kaya mapapanatili ang privacy ng users nito at ito rin ay libre.