Magreretiro na ang beteranong NBA player na si James Jones para magsilbing Vice President of Basketball Operations ng Phoenix Suns.
Si Jones ay naglaro sa loob ng labing-apat na NBA season.
Naging bahagi siya ng kampeonato ng Cleveland Cavaliers.
Samantala, pinalawig naman ang kontrata ni Suns General Manager Ryan McDonough
Ito na ang magiging ikalimang NBA season ni McDonough kasama ang Suns.