MARGOT GONZALES
IKINASAL na ang aktres at Miss World 2013 na si Megan Young at aktor/model na si Mikael Daez.
Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa kasabay ng Chinese New Year noong nakaraang Sabado sa isang simpleng church ceremony sa Subic, Zambales.
Sa kanilang social media account, kapwa nag-post sina Megan at Mikael ng kani-kanilang wedding pictures.
Karamihan umano sa mga bisita ay pamilya ng bride at groom, gayundin ang ilang kaibigan sa showbiz tulad ni Saab Magalona.
Taong 2017 nang unang beses kumpirmahin ng dalawa ang kanilang pagiging magkasintahan, bagama’t umabot na ng nine years ang kanilang relasyon.
Kung maaalala, ang Fil-Am na si Megan Young ang pinakaunang nakapagbigay sa bansa ng Miss World Crown noong 2013.