EYESHA ENDAR
IBINALITA ng Pinoy na aktor na si Alex Diaz na makakasama siya sa isang international movie na pagbibidahan ng Hollywood actor na si Sam Worthington, ang bida sa pelikulang “Avatar.”
Sa kanyang pagbabalik showbiz ang isang good news para sa kanyang mga fans para sa Hollywood movie na gagawin nitong action-thriller na “Counterplay.”
Ayon sa isang artikulo, gaganap si Alex bilang isang lalaking napagbintangan na sangkot sa drug-trafficking habang si Sam naman ay gaganap bilang si John Craig, isang retired negotiator na tutulong kay Alex.
Kung matatandaan, naging maingay ang pangalan ni Alex nang ipahiya ng isang fitness coach sa social media patungkol sa kanyang gender preference.
Dahil dito pansamantala syang umalis sa showbiz para hanapin ang kanyang sarili.