• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - January 17, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP)

Mga foreign coach, nagpahayag ng interes na hawakan ang Gilas Pilipinas

October 7, 2019 by PINAS

MARAMI umano sa mga foreign coach ang interesadong mag-apply bilang head mentor ng Gilas Pilipinas.

Ito ang inihayag ni  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio.

Sinabi ni Panlilio na marami silang natatanggap na queries mula sa mga coach sa buong mundo mula nang ihayag ng pederasyon ang plano nilang kumuha ng isang dayuhan para hawakan ang national team.

Ayon kay Panlilio, karamihan daw sa mga ito ay pawang mga American at European coaches.

Gayunpaman, sinabi ni Panlilio na hindi pa rin nila isinasantabi ang pagtatalaga ng isang Pinoy coach upang pamunuan ang Gilas program.

Samantala, naghahanda naman ang koponan para sa papalapit na 2019 Southeast Asian Games.

Ani Panlilio, pagkatapos ng sea games ay mag–uusap sila sa SBP para plantsahin naman ang programa para sa 2023 FIBA World Cup kung saan isa sa mga host ang Pilipinas.

 

MARGOT GONZALES

Sports Ticker 2019 Southeast Asian Games 2023 FIBA World Cup Gilas Pilipinas MARGOT GONZALES Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP)

Clarkson, Blatche sa Gilas Pilipinas

July 29, 2019 by PINAS

 

HANDANG-handa na ang GILAS Pilipinas para sa FIBA basketball World Cup, dahil ipinakilala na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 19-man pool na delegado ng Pinas.

Makakasama nina naturalized player Andray Blatched at Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers sina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Beau Belga, Robert Bolick, Poy Erram, Marcio Lassiter, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Roger Pogoy, Kiefer Ravena, Troy Rosario at Matthew Wright.

Inanunsiyo ni Gilas coach Yeng Guiao ang lineup matapos ang ensayo ng koponan at nilinaw nito na mababawasan pa at pagdedesisyunan nila ang final 12 kapag malapit na ang FIBA World Cup.

 

Ticker FIBA Basketball World Cup FIBA World Cup Jordan Clarkson Kiefer Ravena Matthew Wright Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Troy Rosario

Philippine basketball team sa Asiad, pinal na!

August 13, 2018 by Pinas News

Pinas News

SA wakas ay nagbago rin ang desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) matapos ang mahigit isang linggo nang nagpahayag na aatras ito sa pagsali sa 2018 Asian Games.

Hindi maikaila na marami ang nagulat sa naging desisyon ng SBP sapagka’t nakapanghihinayang naman na walang kakatawan sa Pilipinas sa basketball competition sa Asian Games kaya marami ang nadismaya sa unang desisyon ng SBP sa kabila na handang magbigay ng suporta ang PBA na magpapadala ito ng team sa naturang sports.

Isa na nga dito ang basketball enthusiast na si Special Assistant to the President Bong Go. Malaking tulong ang panawagan ni Go na i-rekonsidera ang kanilang naging desisyon.

Dahilan ng SBP na bawaiin ang partisipasyon nito sa Asiad ay upang mai-regroup ang National Team at ang kanilang organisasyon eksaktong isang linggo nang ipalabas ng FIBA ang sanction nito sa Pilipinas matapos ang rambolang nangyari sa pagitan ng Pilipinas at Australia team sa World Cup qualifiers.

Sampu sa mga players ang nasuspende maging ang Head coach na si Chot Reyes ay nasuspende rin dahilan upang mabawasan ang bilang ng mga manlalaro ng basketball para sa naturang kompetisyon at walang tatayong coach sa koponan ng Pilipinas.

Ngunit nakahanda sanang humalili ang  Rain or Shine Painters kasama ni coach Yeng Guiao bilang  mga kinatawan ng Pilipinas sa Asian Games at sa katunayan at naisapinal na ang lahat nang sa bigla ay bumawi ang SBP sa kasunduan nito sa PBA.

Kaya malaki ang ginhawang naramdaman ng mga fans ng Pilipinas team nang sa muli ay kinumpirma na ng BSP na pinal na ang desisyon nila na magpalista muli para sa Asian Games na gaganapin ngayong Agosto 18 sa Indonesia.

Kahit na ilang araw na lamang ang paghahanda ng koponan ay malaki naman ang suporta mula sa fans lalo na sa Malakanyang na nangakong susuporta ito sa team Pilipinas sa lahat ng pangangailangan ng koponan.

Kabilang sa 14-man pool para sa Asian Games ang Elasto Painters na sina Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Gabe Norwood, James Yap, Beau Belga at Raymond Almazan na bubuo sa bagong Gilas Pilipinas squad kasama ni Paul Lee ng Magnolia, Christian Standhardinger ng San Miguel Beer, Stanley Pringle ng Global Port, Poy Erram ng Blackwater, Don Trollano ng TNT at Asi Taulava ng NLEX. Kasama rin ang Gilas Cadets na sina Kobe Paras at Ricci Rivero na kumumpleto sa lineup. Go Pilipinas!

Opinyon Slider Ticker 2018 Asian Games an Miguel Beer Australia team Beau Belga Chot Reyes Chris Tiu Christian Standhardinger Gabe Norwood Gilas Cadets Go Pilipinas! James Yap Kobe Paras Magnolia Maverick Ahanmisi Paul Lee PBA PINAS Raymond Almazan Ricci Rivero Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Special Assistant to the President Bong Go Stanley Pringle Yeng Guiao

3×3 basketball sa Pinas, palalakasin

June 19, 2018 by Pinas News

Ni: Noli C. Liwanag

KASABAY ng pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Bagyong Domeng (international name: Maliksi) mainit naman ang aksiyon at pagsalubong sa mga delegado at manlalaro sa 5-days event ng 2018 FIBA 3×3 World Cup noong Hunyo 8 hanggang 12 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios, nagkasundo ang Board na sa Arena ganapin ang naturang kompetisyon upang mas maraming kababayan ang makapanood ng live na basketball.

Iginiit din ni Barrios na ba­baan ang presyo ng tiket upang mas marami ang ma­kapanood.

Bukod sa mababang bayad ng tiket, may libreng shuttle bus mula sa Trinoma Mall, Quezon City at Bonifacio Monument sa Caloocan City na sumundo at naghatid pa­balik matapos ang laro.

Sumuporta sa international basketball event ang mga Bu­lakenyo tulad nina Senator Joel Villanueva, Bulacan, 1st District Representative Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado, Bocaue City Mayor Eleonor J. Villanueva-Tugna.

Dumating din sa naturang events sina Special Assistant to the President Bong Go, Senator Sonny Angara at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda.

SHOOT-OUT CONTEST

MALAKAS ang ingay sa tinaguriang “Fireworks Capital of the Philippines” ng Bulacan dahil kay Janine Pontejos na nag-kampeon sa FIBA 3×3 World Cup 2018 shoot-out contest at nakuha ang country’s first gold sa senior’s division sa mismong Araw ng Kalayaan noong Martes, June 12.

Si Pontejos ay nakapagtala ng 14 points na naora­san ng 41.86 seconds. Baga­mat nakatabla sa 14 points si Alexandra Stolyar ng Russia,  tinanggap lamang ito ang silver medal dahil mas mabilis na nakatapos si Pontejos.

Nakuha naman ni Marin Hrvoje ng Croatia ang bronze medal na nagtala ng 11 points.
Samantala, bukod sa nanood ng maaksyong laro ng 3×3 basketball, naglaro ng “shoot-out contest” sina SAP Bong Go, Senator Sonny Angara at Senator Joel Villanueva. Tinalo ni Sen. Villanueva sina Go at Angara sa dami ng bolang na-shoot.

MGA DELEGADONG BANSA

KAMPEON sa nakali­pas na taon ang Serbia (men’s division) at Russia (women’s division) na duma­ting­ sa Pinas upang idepen­sa ang kanilang korona. Mu­la day 1 hanggang day 4, pukpukan ang naging laro ng 20 bansa na hinati sa apat. Mula sa Pool A: Naglaban ang Serbia, Netherlands, Romania, New Zealand at Kyrgyzstan. Sa Pool B: Slovenia, Poland, Estonia, Indonesia at Japan. Pool C: Russia, Brazil, Mongolia, Canada at Philippines. Pool D: Latvia, Ukraine, Croatia, Jordan at Nigeria. Dalawang team sa bawat pool ay papasok sa Quarterfinal, kung saan kailangan maipanalo nito ang isang laro upang makapasok sa semifinal.

MAAKSYONG 3×3 BASKETBALL

DAY 5 ng maaksyong 3×3 basketball, Game 1 Men’s Quarter-Final, nakalaban ng depending champion Serbia ang Mongolia kung saan umusad ang Serbia sa semifinal sa score na 21-8. Sa Game 2 tinalo ng Poland ang Latvia sa score na 21-15. Panalo naman sa Game 3 ang Slovenia kontra sa Ukraine (21-15) at sa Game 4. wagi ang Netherlands vs Canada sa score na 18-16.

Sa Semifinal: Tinalo ng Serbia ang Poland sa score na 21-19; Maging ang Netherlands ay pinataob ang Slovenia sa score na 21-16. Dahil sa pagkatalo ng Poland at Slovenia, naglaban ang dalawa para sa 3rd place kung saan nanalo ang  Slovenia sa Poland sa score na 21-16.

Sa Final, naglaban ang depending champion na Serbia at Netherlands, tagumpay ang pagdepensa ng Serbia sa men’s title. Nakuha ng Serbia ang third straight world title at fourth overall sa score na 16-13. Women Quarter-Final:  Game 1, Russia vs Czech Republic (21-14); Game 2, France vs Spain (19-17); Game 3, China vs Hungary (17-14); Italy vs United States (17-14).

Semifinal: Game 1, Russia vs France (19-17); Game 2, Italy vs China (15-13). Sa pagkatalo sa semifinal, naglaban ang France  at China para sa 3rd place kung saan nanalo ang bansang tinaguriang “The Hexagon” sa score na 21-14.

Sa final, naglaban ang depending champion Russia at Italy, kung saan naagaw ng Italy ang kampeonato sa score na 16-12.

PHL WOMEN’S TEAM

HINDI man nakapasok sa quarterfinal ng 2018 FIBA 3×3 World Cup ang mga basketbolistang Pinay na sina Jack Danielle Animam, Afril Bernardino, Gemma Miranda at Janine Pontejos. Buong pusong hinangaan ang kanilang ma­tinding paglaban sa mga dayuhan sa larangan ng basketball.

Sa Day 1, nakalasap agad ng talo ang mga bansa sa Netherlands sa score na 21-11. Sa pa­ngalawang laro ng Pinay cagers, nakalaban ng mga ito ang German kung saan binigyan ng ikalawang pagkatalo ang mga Pinay sa score na 12-10.

Sa ikatlong araw ng laro, tinalo ang mga manlalarong Pinay ng  Spain sa score na 21-17. Huling laban ng Womens Philippine team ang Hungary para sa pang-apat na laro sa torneo, ngunit hindi pa rin pinalad na manalo sa score na 18-15.

3-on-3 BASKETBALL SA OLIMPIADA

ISASAMA NA ang 3-on-3 basketball sa Tokyo Summer Olympics na gaganapin sa Hulyo  24-Agosto  24, 2020.
Ayon sa International Olympic Committee (IOC) nagdagdag ang 15 events sa Olympic simula sa Games of the XXXII Olympiad.

Dahil sa patuloy na pag­lakas ng 3×3, idadagdag na rin sa gaganaping 94th National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang 3×3 basketball bilang bahagi ng programa ng liga.

Ayon kay NCAA president Anthony Tamayo ng 94th NCAA host University of Perpetual Help System DALTA, maraming umaayuda sa Policy Board at Management Committee na pagtuunan ng pansin at maisama bilang regular sports ang 3-on-3 basketball.

Ito ang ikalawang sunod na taon na isasagawa ang 3×3 basketball sa NCAA matapos ganapin ang under-14 at under-16 sa nakalipas na taon.

Magbubukas ang NCAA sa Hulyo 7 sa MOA Arena sa Pasay City kung saan magtutuos ang defending champion San Beda at host Perpetual Help sa main game ganap na 2 ng hapon.

Slider Sports Ticker Bagyong Domeng Benny Antiporda Bocaue City Mayor Eleonor J. Villanueva-Tugna Bonifacio Monument Caloocan City Department of Environment and Natural Resources (DENR) Fireworks Capital of the Philippines Joel Villanueva Philippine Area of Responsibility (PAR) Philippine Arena Bocaue Bulacan PINAS Quezon City Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) SAP. Bong Go Sen. Villanueva sonny angara Sonny Barrios Sy-Alvarado Trinoma Mall

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.