SEA Games 2019 gold medalist Samuel Morrison
YNA MORTEL
MAAARING ito na ang huling pagsabak ng SEA Games 2019 gold medalist na si Samuel Morrison sa mga Sporting Event at hindi na maglalaro pa sa larong taekwondo.
Kinokonsidera ngayong ng Jin na si Morrison ang pagreretiro matapos ang matagumpay na kampanya nito sa katatapos lamang ng Biennial Event.
Matatandaang nanguna si Samuel sa men’s 80-kilogram class matapos padapain si Joshua Amirul Abdullah ng Malaysia sa score na 30-8.
Nakapagtala rin si Morrison ng kabuuang tatlong gintong medalya sa taekwondo event ng SEA Games 2019.
Sa naging pahayag ni Morrision, aniya hindi na niya nakikita ang sarili na naglalaro sa susunod na SEA Games.
Pero paglilinaw naman ni Samuel na hindi naman nito sinasara ang sarili sa pagkakataong makalahok pa sa Asian Qualifying Event para sa Tokyo Olympics 2020.
Samantala, gaganapin naman ang qualification round ng Olympics sa Wuxi, China sa April 10-11 ng susunod na taon.