Sandra Cam
PCSO, tuloy sa pagtulong at pag-asa: Mahigit P49-M nadale ng 2 solong Lotto winner
SI Chairman Corpuz, GM Balutan at HRD Manager Ramirez, kasama ang mga empleyado ng PCSO na dalawampu’t limang taon nang nagtataguyod ng mandato ng tanggapan para sa kawanggawa.
Pinas News
Masayang ibinalita ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na umabot sa mahigit P49-Milyong pisong halaga ang na-dale ng dalawang masuwerteng mananaya ng Lotto sa dalawang magkahiwalay na raffle draw sa dalawang magkahiwalay na jackpot prize.
Kabilang na dito ang P7,902,953.00 Lotto 6/42 na na-dale ng taga-Leyte na binola noong Martes ng gabi, Disyembre 12, 2017 habang isang player naman na taga-Makati City ang masuwerteng nakabinggit ng solong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na umabot sa P41,251,012.00 noong Nobyembre 30, 2017.
Nakapanayam mismo ng PINAS si PCSO General Manager Alexander F. Balutan, na kung saan ay sinabi nito na malaki ang naitutulong ng mga players sa programa ng PCSO dahil bukod sa nalilibang nila sa pamamagitan ng pagtaya ng paborito at inaalagaang numero ay nakatutulong pa sila sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong, partikular na dito ang mga mahihirap at may sakit.
Dagdag pa ni Balutan, “Blessing para sa ating dalawang lone winner ang pagkakapanalo nila ng Lotto at tiyak na isang masaya at masaganang Pasko ang ise-celebrate ng kanilang mga pamilya.”
Nabatid na isang masuwerteng mananaya na taga-National Highway, Purok 3, Valencia, Ormoc City, Leyte ang nakadale ng masuwerteng number combinations na 40 17 20 18 24 15.
Habang ang napanalunang ticket ay nabili ng hindi pa nakikilalang tumatangkilik sa lotto sa outlet ng Colortek na matatagpuan sa 1053 A.P. Reyes Avenue, Makati City. Ang Super Lotto 6/49 winning combination ay 28-03-23-32-29-02, habang may 53 mananaya rin ang nanalo ng P15,300 para sa number combination.
Paliwanag pa ni GM Balutan, hindi pa man nakukuha ng dalawang winner ang premyo ay tiyak na masigabong pagdiriwang ang ihahanda nila ngayong Kapaskuhan.
Kasabay nito, nagpapasalamat ang pamunuan ng PCSO sa milyon-milyong tumatangkilik na lotto players nationwide at sa iba pang PCSO lotto games at dahil sa suporta ay nagagawang makatulong ng PCSO sa pamamagitan ng pagbibigay ng Charity services sa ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang Lotto ay binobola araw-araw at mapapanood ng live sa PTV-4 tuwing 9:00 ng gabi. Para sa iba pang impormasyon kaugnay sa winning combinations at schedule ng iba pang PCSO gaming products, maaaring bisitahin ang PCSO official website na www.pcso.gov.ph
Ang PCSO ay isang government-owned and controlled corporation ng Pilipinas sa ilalim ng pamunuan ng Office of the President na nagsimula noon pang 1935 at nagsimula bilang state lottery company.
Layunin nito na makatulong sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan at sa mahihirap na mamamayan.
Kamakailan lamang ay kinilala at pinarangalan ng PCSO, sa pangunguna nina PCSO Chairman Jose Jorge E. Corpuz at General Manager Alexander F. Balutan ang mga empleyado ng ahensiya na higit dekada na ang tapat na serbisyo sa publiko.
Samantala, naging matunog sa bansa ang pag-upo sa puwesto ng isang kilalang ‘whistle blower’ na hayagang ipinuwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Board of Directors ng PCSO.
Ito ay si Sandra Cam. Ang kilalang bata ng gambling operator na si Atong Ang. Ang babaeng bumulabog sa bansa dahil sa pagputok ng talamak na sugalan na pinagkakitaan ng nakararaming pulitiko.
Kasabay ng mga alegasyon sa kanya, tahasang itinatanggi ni Cam na ‘political accommodation’ ang puwestong ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte.
“I don’t think so. The President has given me the trust, I’ve been working so hard to help the less fortunate and for the OFWs. This is not a political position, at makikita po ninyo, give me at least three months, I will prove to those detractors that they are wrong,” pahayag ni Cam.
Kilalang magkaibigan sina Cam at Ang. Hindi rin itinatanggi ni Cam na kaibigan niya ang kilalang gambling operator. Dahil dito, may mga nagdududa kung nararapat bang ipuwesto si Cam sa PCSO.
Sa kaugnay na balita, malaki naman ang naipamahaging tulong ng pamunuan ng PCSO sa mga residente ng Marawi City na inatake ng matinding krisis ng karahasan sa Mindanao.
Malaki ang naitulong ng PCSO sa mga apektadong sibilyan at nasugatang sundalo sa patuloy na krisis sa lungsod ng Marawi.
Paliwanang ni PCSO GM Alexander Balutan, nagbigay na siya ng direktiba sa kanilang branch sa Iligan City para paliwigin ang tulong na maibibigay sa mga pamilya at mga sundalong apektado ng sagupaan ng gobyerno at ng mga rebeldeng Maute group sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods at tulong medikal.
“Pagtulong at pagsagip ang direktiba ng PCSO sa mga nangangailangan ng tulong sa Marawi,” sabi pa ni Balutan.
Ipinahayag din ni Balutan ang suporta niya sa deklarasyon ni Pangulong Duterte sa Batas Militar sa lalawigan ng Mindanao upang sugpuin ang sino mang lumabag sa batas para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Matatandaang nagpalabas si Balutan ng isang memorandum na may direktiba sa lahat ng empleyado ng PCSO sa buong bansa kabilang na ang mga Small Town Lottery Authorized Agent Corporations (AACs) na obserbahan at makilahok sa pagpapatupad ng hakbang sa pangseguridad sa Mindanao.
Iniutos din ni Balutan sa mga empleyado na agad isumbong at isumite sa kanyang tanggapan ang anumang impormasyon at insidente na makakaapekto sa kanilang kaligtasan at seguridad kasama ang lahat ng iba pang ari-arian ng PCSO at iba pang mga katangian para sa agarang aksyon at resolusyon.
Ayon pa kay Balutan, mahalaga ang papel ng mga local government units (LGUs) sa mga tuntuning pangkapayapaan at pag-unlad ng kanilang mga lugar, at iyon ay sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
“Dapat tingnan nila ang kalagayan ng kanilang mga nasasakupan. Marami ang mahihirap na tao diyan na nangangailangan ng tulong kaya siguro minsan naiisip ng ating mga kababayan diyan na gumawa ng mga alternatibo para lamang mabuhay sila. It is a matter of survival,” ayon kay Balutan.
“Violence will not exist in any area when the government is responsive to the needs of its constituents. Lahat tayo ay masisiyahan kung mayroon tayong gobyernong maaasahan,” idinagdag niya.
Kasabay nito ay nagbigay na ng direktiba sa PCSO branch sa Iligan City na paliwigin ang tulong na maibibigay sa mga pamilya at mga sundalong apektado ng sagupaan ng gobyerno at ng mga rebeldeng Maute group sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods at tulong medikal.
Ipinahayag din ni Balutan ang suporta niya sa deklarasyon ni Pangulong Duterte sa Batas Militar sa lalawigan ng Mindanao upang sugpuin ang sino mang lumabag sa batas para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagtulong ng PCSO sa lahat ng Pilipinong nangangailangan at pagbibigay ng serbisyo sa bayan sa pamamagitan ng mga programa ng ahensya na Lotto at iba pa.