TJ BUMANLAG
IPINAGPALIBAN muna ng Pinoy Pop group na SB19 ang get in the zone concert nito sa Iloilo na nakatakda sanang isagawa ngayong weekend.
Sa kanilang social media account, inanunsyo ng grupo ang pansamantalang kanselasyon ng concert bunsod ng pagkakasakit ng dalawa sa miyembro nito na sina Justin at Josh.
Ayon sa grupo, nagkaroon ng tigdas ang dalawa dahilan upang i-reschedule ang concert sa April 18.
Nakatakda sanang magtanghal ang grupo sa Iloilo noong, February 1.
Humingi naman ng paumanhin at pagunawa ang SB19 sa lahat ng apektadong fans ng event.