Ni: San Antonio, Jomar M.
ISANG lalaki sa Los Angeles ang nanalo ng $2 million sa scratch-off California Lottery dahil sa kanyang labis na pananabik sa burger.
Ayon kay Kevin Smith, pupunta lamang siya sa Burger King upang bumili ng burger nang naisipan niya munang bumili ng lottery ticket sa Food 4 Less.
“I didn’t feel like cooking,” ika ni Smith. “I went to go buy my grandfather and myself some dinner.”
Nang makita ni Smith na nanalo siya ng $2 million sa scratch-off, tumawag agad sya sa kanyang ina at ibinalita ang nangyari. “I went to Burger King and I got crowned the King!” biro pa niya.