Ni: Cherry Light
Napagkasunduan na ng Pilipinas at iba pang ASEAN ministers ang pagpapalawig ng pagpapatupad ng Southeast Asia Nuclear-Weapon–Free Zones, (SEANWFZ) treaty plan of action.
Ito’y kasunod ng isinagawang pagpupulong sa ASEAN ministerial meeting.
Sa briefing sa international media center ay sinabi ni DFA acting spokesperson Robespierre Bolivar na naaprubahan na nga ng ASEAN na palawagin pa ang SEANWFZ ng hangang 2022 kung saan nakatakda na itong mag expire ngayong taon matapos itong ipatupad noong 2013.
Matatandaan na una na ring sinabi ni Foreign affairs secretary Alan Peter Cayetano bilang chairman ng SEANWFZ commission ang pagsuporta ng Pilipinas para sa full implementation nito sa kasunduan.
Ang naturang pagpapalawing ay upang pangalagaan ang mga mamamayan ng ASEAN laban sa banta ng nuclear weapon.
Kaugnay nito ay suportado naman ng Pilipinas ang sanction ng United Nations Security Council laban sa North Korea.
Ito’y dahil sa inilunsad intercontinental ballistic missile test ng Pyongyang noong naaraang buwan.
Kabilang sa sanction ng UN laban sa North Korea ang pag-ban sa pag-export ng Nokor ng uling, iron, iron ore, lead, lead ore at seafood.
Pinagbawalan din ang mga bansa na tumanggap ng mga manggagawa mula sa North Korea, gayundin ang pagbabawal sa joint ventures sa Pyongyang.