POL MONTIBON
PRAYORIDAD ngayon ng City Government ng Zamboanga ang makapagpatayo ng mas marami pang National High School sa kanilang lugar.
Sa naging pahayag ni Second District Rep. Manuel Jose Dalipe II, aniya target nilang makapagdagdag ng mga paaralan sa sampung barangay na nasasakupan ng kaniyang distrito.
Ang mga makikinabang na Barangay ay ang Mampang, Guiwan, Tugbungan, Lunzuran, Pasobolong, Pasilmanta, Manalipa, Lamisahan, Dulian-upper Bungiao, at Sitio Sinoropan, barangay Licomo.
Ani Dalipe na matutulungan nito ang mga mag-aaral at mga magulang na hindi na kailangan pang bumiyahe ng malayo.
Batay kasi sa huling tala ng City Schools Division of the Department of Education (DEPED) aabot sa 220,000 na mga mag-aaral ang kasalukuyang naka-enroll ngayong School Year 2019-2020.
Disyembre nang i-file ni Dalipe ang House Bill para sa pagpapatayo ng mga bagong National High School sa kaniyang distrito.