SMNI NEWS
SUPORTADO ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Senate bill 10 na inihain ni Senate President Vicente Sotto III na mag-oobliga sa private employers na bigyan ng 14th month pay ang kanilang manggagawa.
Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito na kanilang sinusuportahan ang panukala pero kailangan muna aniyang pag-aralan at suriin ang kakayahan ng mga employer.
Sinabi ni Bello na kung kaya ng isang employer na magbigay ng 14th month pay ay dapat itong ibigay sa mga manggagawa pero kung hindi ay kailangan aniya maghintay ng kunting panahon.