Kinasuhan na ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Department of Justice (DOJ) ang founder at presidente ng Kapa Community Ministry International, Inc. na si Pastor Joel Apolinario.
Kasong paglabag sa Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code (SRC) ang isinampa ng SEC laban kay Apolinario, trustee Margie A. Danao at corporate secretary Reyna L. Apolinario.
Kasama rin sa kinasuhan ng SEC sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan dahil sa panghihikayat at pag-promote sa naturang investment scam.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng SEC ang iba pang personalidad na sangkot sa naturang scheme para masampahan ng kaso.
Base sa imbestigasyon ng SEC, lumalabas na hinihimok ng Kapa ang publiko na mag-donate ng p10,000 pesos kapalit ng 30-percent monthly “blessing” o “love gift” for life.