HANNAH JANE SANCHO
NADAGDAGAN ang bilang ng mga pamilyang Pinoy ang nagsabing mahirap sila sa ikaapat na quarter ng 2019.
Batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 54% o katumbas ng 13.1 milyong pamilya ang ikinukunsidera ang kanilang mga sarili na maralita.
Mas mataas ito ng 12 points mula sa 42% o 10.3 milyong pamilya na naitala noong September 2019 at pinakamataas simula nang maitala ang 55% noong September 2014.
Batay din sa survey, 35% ng mga pamilyang Pinoy ang nagsabing sila ay food-poor kung saan mas mataas ito ng 6 points mula sa 29% na naitala noong September 2019.
Lumalabas sa Self-Rated Poverty Threshold (SRPT) na kailangan ng mga pamilya kada buwan ng P15,000 sa Metro Manila, P13,000 sa balance Luzon, P10,000 sa Visayas at sa Mindanao para hindi maikonsidera ang sarili bilang mahirap.
Ang fourth quarter poll ay isinagawa mula December 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 Filipino adults.