Dapat lamang na ibalik ang mga tagong yaman ng pamilya Marcos.
Ito ang naging pahayag ni Sen. Bam Aquino matapos mangako ang pamilya Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na handang isauli ang tagong ginto.
Ayon kay Sen. Bam Aquino, kailangan ay aminin ng pamilya Marcos na ito ay talagang ninakaw at dapat ay isauli ng buo sa taumbayan.
Aalamin umano ni Sen. Bam sa budget hearing ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) kung ilan nga ba ang ibinalik na yaman ng mga Marcos.
Para naman sa pangulo ng Liberal na si Sen. Kiko Pangilinan, wala syang nakikitang basehan upang paniwalaan ang sinseridad ng pamilya Marcos sa pagsasauli ng umano’y tagong yaman.
Mas mainam umano na humingi sila ng tawad sa mga naging biktima ng diktaduryang Marcos.
Para naman kay Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel dapat lamang na isauli ay tanngapin ng pamahalaan ang ibabalik na tagong yaman ng mga Marcos.
Ngunit hindi umano ito nangangahulugan na may kapalit ang pagbabalik ng ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Ayon kay Sen. Koko na kung may naka-pending na kaso laban sa mga Marcos kaugnay sa usapin ng ill-gotten wealth ay tuloy ito at walang kapalit.
Ikakagalak naman si Sen. Panfilo Lacson kung sakali mang maisauli ng mga Marcos ang sinasbaing ill-gotten wealth.
Aniya maidadagdag umano ito sa kaban ng bayan.