ADMAR VILANDO
MAGSISILBI umanong babala sa mga tiwali at korap na opisyal ng gobiyerno ang pagsasampa ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman kay dating PNP Chief Oscar Albayalde.
Ito ang inihayag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go matapos makitaan ng DOJ ng probable cause para sampahan ng kaso si Albayalde at labindalawa pang mga pulis na tinaguriang mga “ninja cops”.
Ayon sa senador, ang pagsasampa ng kaso laban kay albayalde at sa mga dating tauhan nito noong siya pa ang Pampanga Provincial Police Director, ay nangangahulugan na binibigyan ng gobyerno ang bawat Filipino ng oportunidad upang idepensa ang kanilang sarili sa korte.
Sinabi ni Go na kung hindi pananagutin ang mga opisyales ng PNP na mapatutunayang may ginawang mali ay mawawala ang kredibilidad ng mga ito sa tao at ang tiwala na ibinibigay sa kanila ng pangulo.