MJ MONDEJAR
TUTOL ang ilang senador sa panukalang pag-amyenda sa saligang batas.
Nanindigan si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na mula noon hanggang ngayon ay hindi niya susuportahan ang charter change (cha-cha).
Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na walang solid support na makukuha sa senado ang anumang pagbabago sa saligang batas.
Naniniwala naman si Sen. Cynthia Villar na dadaan sa butas ng karayom ang isinusulong ng mababang kapulungan na pagbabago sa konstitusyon.
Ayon naman sa minorya sa senado, hindi pa napapanahon ang nasabing panukala.
Noong nakaraang linggo ay inaprubahan sa komite ng kamara ang isinusulong na cha-cha na agad namang tinutulan ng Makabayan Bloc sa Mababang Kapulungan ng kongreso.