Sen. JV Ejercito
Sen. JV hindi kuntento sa nakaraang pagdinig ng Senado sa Dengvaxia Mess
Mga senador, nanawagan sa Duterte Administration na muling pag-aralan kampanya laban sa iligal na droga
Ni: Jannette Africano
Mariing kinondena ng mga senadorĀ ang brutal na pagpatay sa isang labing apat na taong gulang na teenager na si Reynaldo de Guzman.
Si de Guzman ang sinasabing kasama ni Carl Angelo Arnaiz na napaslang rin ng pulis-Caloocan dahil umano sa pangho-holdup ng isang taxi driver.
Kaya naman sabay-sabay na nanawagan ang mga senador sa pamahalaan na itigil at muling pag-aralan ang madugong giyera kontra ilegal na droga.
Ayon kay Sen. JV Ejercito isa sa mga kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, na dapat ay itigil muna ang kampanya laban sa iligal na droga kasama na ang oplan double barrel upang muling mapag-aralan.
Ayon sa senador hindi magtatagumpay ang pamhalaan sa kampanya laban sa iligal na droga kung marami naman ang nasasawi kumpra sa buhay na nabago dahil sa programang rehabilitasyon.
Maging si Sen. Cynthia Villar ay sang-ayon na muling pag-aralan ng pamahalaan ang kampaya laban sa iligal na droga.
Naniniwala ang senadora na mayroon mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nagpapasira sa imahe nito.
Maging ang mga myembro ng minorya ay nanawagan rin na itigil muna at pagralan ang war on drugs ng Duterte Administration.