NANINIWALA si Sen. Richard Gordon na hindi na kailangan pa ng isang bagong batas para matulungan ang mga biktima ng kalamidad katulad ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay Gordon, may calamity fund ang bawat local government unit na dapat gamitin sa wasto.
Bilang chairman ng Philippine Red Cross, sinabi ni Gordon na nakapagbigay na rin ang kanilang organisasyon ng iba’t ibang uri ng tulong sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal, tulad ng water tankers, food trucks, food at non-food items, at marami pang iba.
Aniya, nakikipag-ugnayan na rin siya sa international chapters ng Red Cross upang mabigyan ng pabahay ang mga biktima na wala nang bahay na babalikan dahil sa pag-alburuto ng Taal.