Naghain ng ethics complaint ang mga grupo ng kababaihan laban kay senador Tito Sotto.
Ito’y may kaugnayan sa kontrobersyal na pahayag ng senador patungkol sa mga single mother.
Ang ethics complaint ay inihain ng walong babaeng lider ng iba’t ibang women’s group na nasaktan sa pahayag ni Sotto.
Inihirit din ng grupo na mag-inhibit si Sotto bilang chairman ng Senate Ethics Committee.
Bukod kay Sotto, gusto rin ng grupo na madisiplina ang mga miyembro ng Commission on Appointments (CA) na tumawa sa kontrobersyal na hirit ng senador.