MARGOT GONZALES
UMAASA ang mga senador na maisumite sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagitnaan ng Disyembre ang P4.1-trillion na panukalang national budget para sa taong 2020.
Una nang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magsasagawa ng marathon hearings ang Senate Finance Committee sa panukalang pambansang pondo upang hindi na maulit ang nangyaring delay sa budget ngayong taon.
Magugunita na nito lamang Abril-15 nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang P3.757-trillion national budget ngayong taon, ngunit na-veto ang P95-bilyong alokasyon na hindi umano bahagi ng priority projects ng punong ehekutibo.