Ni Jonnalyn Cortez
TILA nalula ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa presyo ng Chanel Tweed jewelry sa nakaraang Chanel High Jewelry Gala. Dinaluhan ng misis ni Senator Chiz Escudero ang taunang Paris Fashion Week at talaga namang pinahanga ng aktres ang marami sa kanyang fashion statement.
Isa sa mga di malilimutang event na pinuntahan ni Heart ay ang Boutique Chanel Joaillerie sa Place Vendome para sa exclusive VIP showcase ng Tweed de Chanel. Ito ay ang 45-piece high-end jewelry na inspired ng paboritong tela ni Coco Chanel, ang iconic fashion designer at founder ng kilalang luxurious brand.
Hindi maitago ni Heart ang pagkabighani niya sa mamahaling alahas na kanyang pinakita sa kanyang mga tagasunod sa Instagram. “To be able to see @chanelofficial’s high jewelry pieces in person was an absolute honor. [heart emoji],” ani niya.
“The craftsmanship was one of a kind and is now definitely a dream piece…so I’ll have to keep dreaming. But for now, let’s take a photo. [diamond emoji] #PFW.”
Sinabi rin ni Heart na hindi binigo ng House of Chanel ang mga tagapanood sa isinagawa nitong high jewelry gala show. Yun nga lang, tila nalula ang dating teen star sa presyo nito.
“All so beautiful! Benta Bahay level [crying emoji],” wika nito.
Kung ikukumpara ang presyo ng alahas sa isang bahay, maaaring kasinghalaga ito ng isang mansion sa Pilipinas na pumapalo sa P30,000,000 ang isa.