• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 21, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Senator Joel Villanueva

The end of ‘endo’

June 3, 2019 by PINAS

Tinawag na historic ni Senator Joel Villanueva, principal author ng End Endo Bill, ang pagpasa ng panukala sa Senado. “This has been 20 years in the making. Thank you so much dear colleagues for all your support. To God be the glory!” aniya sa social media.

 

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

ISA sa pinaka mahalagang pangako na binitawan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa simula pa ng kanyang termino noong 2016 ang pagwawakas sa kalakaran ng illegal contractualization sa bansa.

Ang sabi ng Pangulo, layon nito na iangat ang kalagayan ng mga manggagawang Pinoy at ang pagbabasura ng illegal contractualization o “endo” ang unang hakbang para maisakatuparan ito.

Maraming manggagawa ang umaasa na tuluyan ngang tutuldukan ng Pangulo ang endo (end of contract), na  sinisisi  kung bakit maraming Pinoy workers ang hirap makaahon sa kahirapan. Dahil sa kalakarang ito walang security of tenure at oportunidad ang marami na magkaroon ng permanenteng trabaho. Ito ang nagtutulak sa ibang manggagawa na magtrabaho na lamang sa ibang bansa kahit na mapalayo sa kanilang pamilya.

Sa ilalim ng endo s­c­h­eme kumukuha ang kumpanya ng mga empleyado na may fixed-term, kung saan ang kanilang kontrata ay di pinapaabot ng mahigit anim na buwan upang maiwasan na ma-regularize ang mga ito. Itinatakda ng Labor Code na kung ang isang empleyado ay mahigit anim na buwan nang naninilbihan sa kumpanya, dapat na itong ma-regularize at makamit ang mga mandated benefits gaya ng SSS, Pag-Ibig, Philhealth, at leave benefits.

Bilang pagtupad sa kanyang pangako, noong nakaraang taon, ibinaba ni Duterte ang Executive Order 51 na nagbabawal sa endo. Sa pamamagitan nito, pinatawan ng karampatang aksyon ang mga kumpanyang na tumatanggap pa rin ng manggagawa sa ilalim ng endo scheme. Sa aksyong ito ng pamahalaan, mahigit 400,000 na mga manggagawa ang naging regular employees.

Nguni’t aminado ang Pangulo na hindi  sapat ang EO upang tuluyang malutas ang isyu. Kaya nanawagan siya sa K­ongreso na magpasa ng anti-endo na batas, at ito ay “certified as urgent” ng chief executive.

“This is why my administration has implemented measures within its powers to afford full protection to labor and promote equal work opportunities for all,” wika ni Duterte.

KONGRESO TODO SUPORTA

Bago magtapos ang 17th Congress, ipinasa ng Senado ang Senate Bill No.1826 o ang Security of Tenure and End of Endo Act, na naglalayong tuldukan ang mapang-abusong work schemes.

Sa botong 15-0 inaprubahan ng Mataas na Kapulungan sa third and final reading ang panukalang mag-aalis sa labor-only contracting o endo. Sa nakatakdang bicameral conference ay pagtatahiin  ng Senado at ng Kongreso ang k­ani-kaniyang bersyon ng anti-Endo bill bago ihain kay Pa­ngulong Duterte para mapirmahan ito at mapasabatas.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources, minarapat ng Senado na isulong ang pagwawakas ng endo sapagkat mahigit 1.9 milyong mga manggagawa sa pribadong sektor ang apektado nito.  Nasa tatlo sa 10 Pinoy workers ang hindi nagiging regular at isa sa dalawang non-regular workers ang contractual. Batay din sa mga ulat, ang endo ay palasak sa mga industriya ng wholesale and retail trade, manufacturing, food service, at crop and animal production.

“We longed for this day to come, especially our workers who have suffered because of the evils of endo, a practice which corrupts the dignity of labor,” wika ni Villanueva, na principal author at sponsor ng bill.

Sa ilalim ng panukala, papayagan lamang ang labor-only contracting sa mga sumusunod na kundisyon:  Ang job contractor ang magsu-supply, magre-recruit, at magbibigay lamang ng workers sa isang contractee; ang mga workers na ibibigay sa contractee ay gagawa ng mga trabahong may kaugnayan sa core business ng contractee; at  ang contractee ang may direct control sa mga workers na ibinigay ng contractor.

Nakasaad din sa panukala ang pag-classify sa mga empleyado bilang regular, probationary, project, at seasonal. Ang mga project at seasonal workers ay may parehong karapatan sa regular na empleyado gaya ng minimum wage at social protection benefits sa panahon ng kanilang pagtatrabaho.

“The provision trims down the employment arrangements and addresses the current practice of misclassifying employees to prevent them from obtaining regular status,” wika ni Villanueva.

Pinuri naman ng pinakamalaking labor group sa Pinas, ang  Trade Union Congress of the Philipines (TUCP) ang hakbang ng Senado.  Malaki umano ang maitutulong ng naturang batas upang palakasin ang productivity ng mga manggagawa, kung saan ang mga employers din naman ang makikinabang dahil pabababain nito ang kanilang production at training costs.

“It means having an experienced and loyal workforce for employers treating their workers fairly. After all, our labor market model should not be sweatshop countries like Bangladesh. By equipping our workers with world-class labor standards, we help them make world-class products,” pahayag ni TUCP president Raymond Mendoza.

 INVESTMENTS TATAMAAN NGA Ba?

Sa kabilang banda, nangangamba  ang Employers Confederation of the Philippines (ECoP) na maaring bumagsak ang foreign direct investment at local investment sa bansa kung tuluyang ipagbabawal ang contractualization sa bansa.

“We fear that we will lose foreign direct investment and local investment….if you prohibit contracting and sub-contracting, why would investors come here?,” wika ni ECoP President Sergio R. Ortiz-Luis.

Aniya, kung ipagbabawal na ang contractualization, lubhang tatamaan ang industriya ng Business Process Outsourcing na nagbibigay trabaho sa maraming Pinoy.

Ganito rin ang sentimiyento ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) chairman George T. Barcelon. Aniya maraming manpower para sa foreign direct investment ang tatamaan dahil short-term contracts ang ipinapatupad dito.  ”Foreign Direct Investment will be affected… a lot of exports are seasonal in nature.”

Paliwanag naman ni Villanueva, ang pagtanggal sa endo ay hindi ­n­aglalayong ilagay sa ala­nganing sitwasyon ang mga kumpanya,  kundi pagibayuhin pa ang proteksyon ng mga manggagawa ayon sa itinatakda ng Saligang Batas.

“Ending endo is not anti-business. Guaranteeing the right to security of tenure gives our workers certainty and social protection. It makes them more efficient and more productive which is the primary concern of every business. Being pro-worker and pro-­industry at the same time is not an impossibility,” iginiit ng mambabatas.

“We listened to the concerns of various stakeholders, and took these into account in putting together this bill. We believe this measure protects the interests of all parties concerned,” wika pa ni Villanueva.

Pambansa Slider Ticker chairman George T. Barcelon Employers Confederation of The Philippines (ECOP) Pangulong Rodrigo R. Duterte Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Senator Joel Villanueva The End of 'ENDO' Trade Union Congress of the Philipines (TUCP)

Kaligtasan ng empleyado, kailangang siguruhin

May 9, 2019 by PINAS


Sen. Joel Villanueva: Isinusulong ng OSH Law ang kaligtasan ng mga manggagawa mula sa mga kapanganiban tulad ng lindol.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

SUNOD-SUNOD ang nararanasang lindol sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas buhat nang yanigin ng 6.1 magnitude earthquake ang Luzon nitong Abril 22, na nagdulot ng pinsala sa mga infrastructure at pagkasawi ng ilan.

Madaming natakot sa malakas na lindol, lalo na ang mga empleyadong nagtatrabaho sa matataas na gusali sa Ortigas, Taguig, Manila, Quezon City, at Makati. Magmula noon, marami sa kanila ang di maiwasang mangamba para sa kanilang kaligtasan sa tuwing may balitang paggalaw ng lupa.

Kung tatanungin ang mga eksperto, hindi naman dapat ipagtaka ang nararanasang mga pagyanig ng lupa nitong mga nagdaang araw dahil ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire. Ito ang horseshoe-shaped na active belt ng mga tectonic plates, mga bulkan, at earthquake epicenters sa Pacific basin, na may haba na 40,000 kilometers. Kaya ang palaging payo nila, gawing bahagi ng lifestyle ang paghahanda sa lindol.

Nguni’t sa kabila ng nakaambang panganib na ito sa araw-araw, tuloy pa rin ang takbo ng buhay para sa mga Pinoy. Lalo na para sa mga manggagawang hindi pwedeng magpadaig sa takot dahil kailangang kumayod para may maipangtustos sa pangangailangan ng sarili at ng pamilya.

Osh Law Kailangan Sundin

Para sa kay Senador Joel Villanueva, kailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa sa kanilang workplace. Ito ang isinusulong ng bagong batas na kanyang akda– ang Republic Act 11058 o Occupational Safety and Health (OSH) Law.

Sa ilalim ng OSH Law, minamandohan ang mga employers na pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga empleyado nila upang maiwasan ang mga aksidente at panganib sa trabaho.

“The law is clear. The right of workers to safety and health at work is guaranteed,” wika ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resource development.

Ipinahayag ito ng mambabatas matapos makatanggap umano ng mga ulat na pinabalik agad sa loob ng gusali ang mga empleyado ng malls at mga call centers ilang minuto lamang pagkatapos ng Luzon earthquake.
Personal din aniyang nasaksihan ang isang insidente sa Mandaluyong kung saan narinig niya ang isang marshal na pinababalik ang mga nag-evacuate na office workers sa loob ng opisina nila sa isang mataas na gusali 30 minutes pagkatapos ng lindol.

“The building was over 20 stories high. It’s quite unlikely they’ve inspected the structure thoroughly,” aniya. “At the very least, the response of marshals in these incidents show that much needs to be done in disaster preparedness. We need to heighten our awareness on what to do when disasters strike, and that includes exerting a lot of effort in protecting the welfare of our workers.”

“We can’t simply expect our employees to march back to their workstations or to the shop floor without management and safety experts conducting a walkthrough of the facility to assess its structural integrity. Sadly, we learned that some offices did just that. We should remind them that the welfare of workers is always of paramount concern. Places of work are the second home of our workers,” binigyang diin ni Villanueva.

Pinagtibay noong August 2018, pinapatawan ng naturang batas ang mga lalabag na kumpanya ng multang hanggang P100,000 araw-araw hangga’t di nito maitatama ang mga OSH violations na ipapataw ng mga inspectors ng Department of Labor and Employment (DOLE)

Pinapahintulutan din ng batas ang DOLE officials at representatives na pasukin ang mga opisina sa anumang oras upang ma-check ang kalagayan at tiyaking sinusunod ng mga kumpanya ang mga probisyon ng batas.

Dagdag pa ng mambabatas na sa oras ng panganib, kinakailangang itigil ang operasyon hangga’t masiguro na ligtas na para makapagtrabaho muli ang mga empleyado.

“They have the right not to work and report this to the Department of Labor and Employment. There must be coordination on the relationship of the employees and employers. If the employees do not feel they are safe, they can always call DOLE. The safety and health of the workers is paramount,” wika ni Villanueva.


Taon-taon ay nagsasagawa ng earthquake drill ang mga private and government offices upang paghandaan ang panganib na dala ng malakas na lindol.

Aniya, ang pagtitiyak ng workplace safety ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga empleyado, business sector, at ng lokal na pamahalaan. May sakuna man o wala, dapat aniyang maramdaman ng isang manggagawa na ligtas siya sa lahat ng oras sa work area.

Mandatory Disaster Protocols

Sa kabila ng umiiral na OSH Law, nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ito na nga ang panahon upang balangkasin ang mandatory workplace emergency standards para sa rank-and-file workers.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, sa ngayon ay wala pang existing government mandatory standards na tumutugon sa naturang aspeto sa mga kumpanya, lalo na sa mga panahon ng kalamidad gaya ng lindol.

Aniya pa, bagama’t may evacuation protocols, safety officers, at evacuation plans ang mga responsableng mga kumpanya, marami pa ring mga employer ang wala ng mga ito.

“Because there are no specific mandatory guidelines regarding such life and death scenarios, there is a very urgent need to create a regulation or mandatory policy standards or protocols now that protects the workers’ health and safety and guides employees and employers on what to do when emergencies, disasters and calamities occur during working hours,” ani Mendoza.

Dagdag pa niya, kailangang gumawa ng specific implementing rules and regulations sa ilalim ng OSH Law para maiwasan ang kalituhan sa hanay ng mga manggagawa.

“Most of the victims in workplace disasters are the rank-and-file employees (cashiers, casino employees, salesladies, security guards) who were made to hang on to their work and remain in their stations waiting for specific orders from managers, supervisors and company owners amid the quickly evolving mishap. A split-second delay in reaction to such dangerous situations further exposes workers to workplace death and injury,” sabi ng TUCP President.


Ipinapakita ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines ang medical response para sa isang biktima ng lindol sa isang earthquake drill.

Pagtugon sa hamon ng lindol

Positibo naman ang tugon ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) sa panawagan ng TUCP na magbalangkas ng safety protocols. Sa katunayan, isa ito sa mga priority agenda ng grupo ng mga employers sa bansa sa National Conference of Employers (NCE) ngayong Mayo.

Aminado si ECOP Chair Emeritus Francis Chua na wala pang protocol na nabuo ang organisasyon sa pagtugon sa kalamidad dahil maayos namang ipinapatupad ng pamahalaan ang mga batas hinggil dito.

“We need to convene, and make this (new safety protocols) one of our priority agendas in our NCE this May,” wika ni Chua.

Dagdag niya, laging nakahandang tumulong ang kanilang mga direktor at miyembro sa mga empleyadong apektado ng mga kalamidad.

Nakatakdang idaos ng ECOP ang 40th NCE, na may temang “Future Proofing Business and Industry”, sa Marriott Grand Ballroom sa Mayo 28-29. Inaasahan ng marami na maisasagawa nila ang mga tamang aksyon para sa hamon ng lindol at iba pang kalamidad sa mga workplace sa bansa.

Pambansa Armed Forces of the Philippines Deparment of Labor and Employment (DOLE) PINAS Senator Joel Villanueva

Kontrata, utang ng gobyerno sa China susuriin

April 15, 2019 by Pinas News

PANGULONG Rodrigo Duterte ipinag-utos ang pagsusuri sa lahat ng kontrata at utang ng gobyerno sa China at iba pang bansa.

 

Ni: Jonnalyn Cortez 

MARAMING kontrobersya ang inuugnay sa mga proyekto ng administrasyong Duterte. Nandiyan ang tinatawag na China debt-trap, pagdating ng mga manggagawang Chinese upang magtrabaho sa bansa, bilyun-bilyong utang, at marami pang iba.

Kaya upang alisin ang mga pagdududa, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuri sa lahat ng kontrata ng gobyerno, kabilang ang mga utang sa China, at alisin ang lahat ng makikitang may mabigat na probisyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi ni Duterte na maaaring kanselahin ang mga kontrata at alisin ang ilang probisyon kung mapapatunayang makakaagrabyado sa bansa.

“The Chief Executive instructed all agencies to check and review all contracts entered into and remove onerous provisions that might be detrimental to the lives of the Filipinos,” sinabi ni Panelo sa isang pahayag.

Direktang iniutos ni Duterte kay Solicitor General Jose Calida, Department of Justice (DoJ), at lahat ng legal units ng ahensya ng gobyerno ang pagsasagawa ng pagsusuri.

“The President issued a directive that henceforth, he directed SolGen and Department of Justice to study all contracts entered into by the government to find out whether there are provisions that are onerous and against the interest of the Filipino people,” sabi ni Panelo. “And to do something about it, either to rescind or to cancel those contracts or to sue people who are behind those contracts which are unconstitutional.”

Una nang nagbabala si Senior Associate Justice Antonio Carpio ukol sa kontrobersyal na loan deals na ginagamit umano ang patrimonial assets ng bansa bilang collateral sa paggawa ng Kaliwa Dam Project at Chico River Irrigation Pump Project. Simula pa lamang umano ang dalawang proyektong ito ng mas marami pang “onerous agreements” sa China.

“The first two loans, Chico and Kaliwa, are just the beginning because this is a total of 12 to 24 billion dollars with several projects. So we have to be careful. We must remove these provisions that are disadvantageous to us,” wika ni Carpio.

SENIOR Associate Justice Antonio Carpio nagbabala ukol sa loan deals ng Pilipinas sa China na ginamit umano ang patrimonial assets ng bansa bilang collateral.

 

Concession agreements pag-aaralan

Ipinag-utos din umano ng pangulo ang pag-aaral ng concessionaire agreement ng Maynilad at Manila Water matapos ang nangyaring kawalan ng tubig noong Marso.

Nadismaya diumano ang presidente nang malamang hindi maaaring makialam ang gobyerno sa kontrata ng Maynilad.

 “He found out that during the Ramos administration, there was a contract between Maynilad and the Republic of the Philippines and in that contract, the government, the Republic of the Philippines, was prohibited from interfering, intruding into the terms of the contract,” paliwanag ni Panelo. “That’s why we lost in the arbitration tribunal and I think we were made to pay P3.5 billion because according to the ruling, the government intervened and by reason of the intervention, Maynilad suffered damages.”

Kailangang masusing pag-aralan ang bawat kontrata ng gobyerno sa mga pribadong korporasyon at bansa upang malaman kung mayroong onerous provisions na maglalagay sa lahat ng Pilipino sa alanganin at lalabag sa konstitusyon.

Agad namang bumuo ng grupo si Justice Secretary Menardo Guevarra na magsasagawa ng pag-aaral.

“We have organized teams to conduct this review but my office as attorney general will need a lot of help from the Office of the Solicitor General to perform and complete this task at the soonest possible time,” pahayag ni Guevarra.

Ilan sa kanilang susuriin ay ang concession agreements ng public utilities at foreign loan contracts.

“Priority contracts for review include concession agreements on public utilities and foreign loan contracts. Target provisions are those perceived to be onerous, one-sided, disadvantageous to the government, and or contrary to public order or public policy,” dagdag pa ni Guevarra.

Matapos ang pag-aaral, magsasagawa ng bagong negosasyon upang ayusin ang kontratang makikitang lumabag sa Kontitusyon. Kung hindi magiging matagumpay ang pag-uusap upang sundin ang ating batas, mapipilitan ang gobyerno na gumawa ng ligal na hakbang para kanselahin ang kontrata.

“Contracts are subject to the will of the parties, but any stipulation, term or condition that is contrary to law, morals, public order or public policy may be abrogated or terminated,” paliwanag ni Guevarra.

SENATOR Grace Poe at iba pang senador na miyembro ng oposisyon sinuportahan ang utos ng pangulo na suriin ang lahat ng kontrata at utang ng gobyerno.

 

Oposisyon suportado ang utos ni Duterte

Nagpakita ng suporta ang oposisyon sa utos ni Duterte na suriin ang lahat ng kontrata at utang ng gobyerno.

“I support the review,” wika ni Senate minority leader Franklin Drilon.

Umaasa naman si Senator Francis Pangilinan na hindi magbabago ang isip ng Pangulo sa kanyang desisyon.

“We will wait for the results of the orders but in the meantime, we should remain vigilant and ready at anytime to expose and oppose loan agreements whose conditions run contrary to our laws and the national interest,” pahayag ni Pangilinan.

Sinang-ayunan din ni Senator Francis Escudero ang desisyon ng pangulo dahil isa itong pambansang interes at magsisilbing babala sa mga tao o kumpanya na hindi tatanggapin ng bansa ang onerous contracts.

Pinasalamatan naman ni Senator Joel Villanueva si Duterte sa dala nitong magandang balita, ngunit ikinagulat na hindi isinaalang-alang ang mga kontrata na pabor para sa Pilipino.

“We really have to be conscious all the time, that as we enter into long term agreements, that the welfare of Filipinos, present and future, were considered,” wika ng director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sinabi ni Senator Grace Poe na tama lamang ang ginawang hakbang ng pangulo dahil sa mga nakitang “red flags” sa kontrata.

“Tama lang naman dahil kita naman ng lahat na maraming red flags. If found to be disadvantageous, we must renegotiate these contracts immediately or cancel those that are not for the best interest of the country,” pahayag ng Senadora.

Nirerespeto umano ni Poe ang mga kontrata ng gobyerno, ngunit anumang kasunduan na makapipinsala sa Pilipino ay hindi dapat maisagawa.

Maaari umanong simulan ang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalabas ng buong loan agreement, kabilang na ang annexes at oras ng pagpupulong ng mga magsasagawa ng pagsusuri.

Dagdag pa ni Poe, wala dapat kinalaman sa paggawa ng kontrata ang magsasagawa ng pag-aaral. Kailangan ding managot ang gumawa ng kasunduan kung malamang salungat ito sa interes ng bansa.

“Ano ang gagawin sakaling mayroong hindi tama? Sana ay may pananagutan ang mga sangkot sa pagbuo ng mga kasunduan na iyan kung makita itong kontra sa interes ng bansa o ng batas natin,” pagtatapos ni Poe.

Pambansa Slider Ticker Department of Justice (DOJ) Jonnalyn Cortez Justice Secretary Menardo Guevarra Pangulong Rodrigo Duterte Presidential Spokesman Salvador Panelo Senator Francis Escudero Senator Joel Villanueva Solicitor General Jose Calida Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Pagdami ng mga Chinese workers sa Pinas, dapat bang ipangamba?

March 19, 2019 by Pinas News

DUMAMI ang mga bilang ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Pilipinas.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

Isang malaking issue ang pag-angkin at pang-aagaw ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Nitong mga nagdaang mga taon, nasaksihan ng mundo kung gaano sila kaagresibo sa pangangamkam ng mga isla at yamang dagat ng ating bansa sa kabila ng desisyon ng international arbitral court na Pilipinas nga ang may-ari ng mga pinagtatalunang teritoryo.

At ngayon, tila hindi lamang Philippine territories ang inaagaw ng China kundi maging ang mga employment opportunity sa bansa.

Bago nagtapos ang 2018, pumutok ang kontrobersya ng paglobo ng bilang ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa. Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Ciriaco Lagunzad na mayroon ngang “upward trend” base sa kanilang data.

Mula 2015 hanggang 2017, nakapag-issue ang ahensya ng kabuuang 115,652 Alien Employment Permits (AEPs), at 51,000 sa kabuuang bilang na ito ay ibinigay sa mga Chinese nationals. Nasa mahigit 21,000 naman ang AEP ang ipinamigay sa first quarter ng nakaraang taon.

Ayon sa Labor Code, ipinagkakaloob lamang ang AEP sa foreign workers kung walang may gusto o may kakayahan na Pinoy na makakagawa ng trabaho. Ang naturang permit ay ibinibigay sa mga trabahong nangangailangan ng highly-specialized technical, supervisory, at managerial na trabaho. Pagkatapos ng permit, bibigyan ng Bureau of Immigration (BI) at ng Department of Justice ang isang foreign worker ng foreign visa.

Ngunit nasa 2,000 na mga Chinese nationals ang binigyan ng trabaho sa construction industry mula 2016, ang taon kung kailan nagsimula ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

MARAMI ang nangangamba sa kanilang job security dahil sa pagdami ng Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa.

 

PAANO SILA NAKALUSOT?

Sa isang pagdinig ng Senate Committee on Labor kamakailan, sinabi ng BI na nasa 20,000 foreigners lamang ang kanilang binigyan ng working visa mula 2017 hanggang 2018.  Kaya naman ipinagtaka ng chairman ng naturang committee na si Senator Joel Villanueva kung paano sumipa ang bilang ng mga Chinese workers sa Pinas, kasabay ang paggisa sa DOLE sa pagbigay nito ng 1.6 million tourist visas sa mga Chinese nationals, na sa kalaunan ay nagsipag-apply ng work permits.

Dahil dito, nagbigay babala si Senator Grace Poe sa DOLE at BI sa pag-issue ng extensions sa mga may hawak ng tourist visa.

“Obviously niloloko lang tayo. Sabi nila turista sila ‘yun pala may balak naman pala sila ditong magtrabaho. Sa umpisa pa lang dapat tinitigil na natin ‘yon,” wika ni Poe. “Kung turista ka tapos humingi ka ng work permit para mag-extend, wag na nating payagan ‘yon. At marami sa kanila wala talagang lehitimong work permit pagpasok dito,”

Inilahad ng senadora na maliban sa 115,000 AEPs, nasa 119,000 ang nakatanggap ng special working permits, na karamihan ay nagtatrabaho sa Philippine OffShore Gaming Operations (POGO). Hindi pa kasama sa bilang ang mga illegal workers.

Kaya naman  nais isulong ni Villanueva sa Senado ang pag-amyenda sa Labor Code para siguruhin na ang ang workforce sa mga kumpanyang nag-ooperate sa bansa ay binubuo ng 80 porsyentong Filipino workers upang hindi maagawan ng trabaho ang mga manggagawang Pinoy, na patuloy na hinaharap ang hamon ng 5.1 porsyentong unemployment rate sa bansa.

Iginiit naman ni Poe na kailangang hulihin ang mga illegal foreign workers sa bansa na di lamang umaagaw sa mga trabahong dapat na para sa mga Pinoy, kung saan nadedehado ang marami nating mga kababayan.

“Nagkakaroon ng superficial market conditions. Ibig sabihin nakadepende sa iisang partikular na grupo dahil sa dami nila; nakakabili sila ng floor by floor, natural nagmamahal, may demand dito. Ang nangyayari, ang ating mga kababayan, na ang kinikita ay sapat lamang, hindi nakakapag kumpetensiya dahil tumataas ang value ng lupa at ng presyo ng mga condominiums at presyo ng mga renta dahil sa kanila,” sabi ng mambabatas.

NAGPULONG sina Pangulong Rodrigo Duterte, Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad, at mga opisyal sa Malacañang Palace.

 

FRIENDLY ADVICE

Sa three-day state visit ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad kamakailan, nagbigay babala siya sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapahintulot nito na dumami ang Chinese workers sa bansa dahil posibleng magulo umano nito ang “political equations”.

“Foreign direct investment should not involve bringing huge numbers of foreigners to live in the country because that might disturb the political equations in the country,” sabi ni Mahathir sa isang panayam.

“If huge numbers of any foreigners come to live and stay in the country or to even influence the economy of a country, then you have to do some rethinking as to whether it is good or bad, or the limits that you have to impose on them,” wika pa ng 93-anyos na Prime Minister ng Malaysia, na tinawag ni Pangulong Duterte na “friend, partner and brother.”

Sa kaniyang pag-upo sa pwesto bilang leader ng kanyang bansa nitong nakaraang taon, sinuspindi ni Mohamad ang multi-billion dollar major projects ng China sa Malaysia, kabilang dito ang East Coast Rail Link (ECRL) project at natural gas pipeline project. Ginawa niya ang naturang hakbang dahil dehado umano ang Malaysia sa infrastructure deals nito sa China, mga kasunduang pinasok ng kanyang sinundang prime minister na si Rajib Nasak.

DUTERTE:  HAYAAN NYO SILA

Sa kabila ng mga pagkabahala sa pagdami ng illegal Chinese workers sa bansa, hindi naman ito malaking isyu para kay Pangulong Duterte.

“Iyong mga Chinese dito, hayaan mo ‘yan na dito magtrabaho. Hayaan mo. Bakit? We have 300,000 Filipinos in China,” sinabi ng Pangulo sa isang campaign rally ng PDP-Laban sa Biñan, Laguna kamakailan.

“Kaya hindi ako maka — sabihin, o umalis kayo dito, deport ka doon. Eh kung bigla paalisin ‘yun doon 300,000 of them.

Paliwanag naman ng Malacañang, mayroon kasing kakulangan sa construction workers at gayon din sa skills para sa massive infrastructure projects ng pamahalaan sa ilalim ng “Build, Build, Build” kaya kailangan natin ang ayuda ng Chinese workers.

“We lack so many construction workers. Siguro that’s why maraming Chinese na kinukuha dahil walang mga Pilipino,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“Maraming Pilipinong walang trabaho and yet they lack the skill so we need to teach them. And most likely ‘yan ang magandang project ng TESDA  (Technical Education and Skills Development Authority),” aniya pa.

Hindi din umano dapat mabahala kung legal namang nakapasok sa bansa ang mga Chinese workers, kasunod ang pagsiguro na “full force” na ipapatupad ng gobyerno ang immigration laws laban sa mga Chinese workers na iligal na nagtatrabaho sa bansa.

“We wish to clarify that the President’s policy on Chinese workers who are illegally staying in the country remains the same, which is the enforcement of immigration laws against violators,” wika ni Panelo

“Our laws will be applied with full force and effect equally to all foreign nationals who violate them,” pagtiyak ng tagapagsalita ng Palasyo.

Pambansa Slider Ticker Alien Employment Permits (AEPs) Build Build Build Bureau of Immigration (BI) China Chinese workers Department of Labor and Employment (DOLE) East Coast Rail Link (ECRL) Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad Pangulong Rodrigo Duterte Philippine OffShore Gaming Operations (POGO) Presidential Spokesman Salvador Panelo Senator Grace Poe Senator Joel Villanueva TESDA  (Technical Education and Skills Development Authority) Undersecretary Ciriaco Lagunzad

Telecommuting, lumalawak ang pagtanggap mula sa mga kumpanya

July 2, 2018 by Pinas News

Ni: Ana Paula A. Canua

Ginagawa na ng ilang kumpanya sa bansa ang telecommuting o work-from-home para sa mga manggagawa.

Nilinaw ni Employers Confederation of The Philippines (ECOP) President Donald Dee na tatlong taon na itong ipinatutupad ng dalawang multinational companies kaya’t hindi niya nauunawaan ang layunin ng pagpasa ng bagong panukalang batas.

Giit ni Dee na hindi applicable ang work-from-home scheme sa lahat ng industriya.

Noong nakaraang buwan ay inaprubahan ng kamara sa ikalawang pagbasa ang Telecommuting Act habang ang counterpart bill sa senado ay naipasa noong 2017.

Layunin ng mga panukalang batas na ipatupad ang work-from-home scheme para sa mga kawani para makaiwas sila sa traffic stress at magastos na transportasyon.

Inaasahan naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magsusumite sa Kongreso ng takdang polisiya at panuntunan sa mga industriyang sasailalim sa work from home program.

 

Iwas sa traffic, ginhawa sa sariling tahanan

Nangungunang dahilan kung bakit malaki ang suportang nakuha ng panukala ay dahil sa malaking ginhawa ang maibibigay nito sa mga empleyadong araw-araw na humaharap sa kalbaryo ng matinding traffic, isama pa ang peligro sa kalsada at baha.

Malaking oportunidad din ito para sa mga may kapansanan na nais kumita ng malaki habang hindi naisasa-alang-alang ang kanilang kaligtasan.

Mahihikayat din ang mga single parents at mga kababaihan na pasukin ang bagong mundo ng paghahanap-buhay habang kanilang ginagampanan ang kanilang iba pang tungkulin.

Anu-anong trabaho ang pasok sa Telecommuting program?

Sa inilabas na paunang datos ng DOLE ilan sa mga trabahong pasok sa work from home scheme ay ang; Encoder/Transcriptionist, medical at legal transcriptionist, Online teacher, Internet Entreprenuer, Costumer Service Assistants sa IT-BPM sector, Virtual assistants gaya ng Article/Content Writer, SEO Specialist , Web Developer/Programmer, Online Writer/Editor, proofreader, Online Trading at financial advisor sa Stock Market. Sa pag-aaral ng DOLE maaring umabot mula sa P15,000 hanggang P60,000 pataas ang sahod ng mga nabanggit na trabaho depende sa lebel ng technicality nito.

Ayon kay Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte, “More and more employers have expanded the traditional mode of on-site work to the adoption of flexible working arrangements such as the compressed workweek and telecommu­ting, among others.”

Bukod sa tipid sa resources gaya ng pamasahe at bawas pagod, maliligtas pa sa mga posibleng sakit dala ng pabago-bagong panahon ang mga work-from home employees na isang malaking bagay sa mga employers dahil mas maayos at mas magandang performance ang maibibigay ng kanilang empleyado.

Nagpahayag din ang Employers Confederation of the Philippines na lumalawak na ang pagtanggap sa telecommuting mula sa mga malalaking kompanya tulad ng Meralco SGS Philippines, Inc., Metro Pacific Investments Corp at Aboitiz Equity Ventures. Kasunod nito ang 2016 report mula sa DOLE na may 261 kompanya na dito sa bansa ang bukas na sa volun­tary flexible arrangements sa kanilang mga empleyado.

Mga umiiral na batas sa work from home scheme

Noong Agosto 2013 naglabas ang Bureau of Internal Revenue ng Revenue Memorandum Circular No. 55-2013 o Reiterating Taxpayers’ Obligations in Relation to Online Business Transactions.

Kaugnay nito nagbabala ang DOLE na dapat sumunod sa batas gaya ng pagbayad ng tax pati na ang maliliit na e-commerce business gaya ng online retailing, shopping, advertising at auction.

Rekomendasyon ng DOLE

Nagrekomenda naman ang DOLE na dapat magkaroon ng mga alternatibong hakbang para proteksyunan ang social security benefits ng kompanya at mga empleyado. Giit ng ahensya dapat ay magkaroon ng malinaw at tiyak na direktiba sa pagpapatupad terms and condition sa work from home scheme.

“Telecommuting offers extravagant advantages for employees and more so to the employers, thus, corresponding protection and security must be provided to workers. While Filipinos get totally hooked with the flexibility options that the industry offers, one must still remember that a good gauge in measuring an employment opportunity is the social and security benefits that it provides more than the monthly monetary salary that it gives.

On the part of the government, legislative measures to ensure workers’ protection and tax revenues complied with must be lobbied actively.”

Payo rin ni Senator Joel Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment, and human resources at nag-silbing may akda ng panukala, “The employers should also be responsible for taking the appropriate measures with regard to software to ensure the protection of data used and processed by the telecommuting employee for professional purposes.”

Negosyo Slider Ticker Aboitiz Equity Ventures Ana Paula A. Canua Bureau of Internal Revenue DOLE Donald Dee Employers Confederation of the Philippines Employers Confederation of The Philippines (ECOP) Luis Raymund Villafuerte Reiterating Taxpayers Revenue Memorandum Circular No. 55-2013 Senator Joel Villanueva

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.