Maisasakatuparan na ang libreng tuition fee sa mga state universities at colleges sa bansa matapos lagdaan nitong Huwebes ang Enrolled Bill on Free Tertiary Education.
Ito ang inanunsyo ni Senior deputy executive secretary Menardo Guevarra sa isang press briefing.
Hindi naging madali ang naging desisyon ng pangulo dahil dumaan ito ng masinsinang deliberasyon lalo na sa mga economic managers ng Duterte administration.
Gayunpaman, sinabi ni Guevarra mas nakita ng pang Duterte ang magiging long term effect ng libreng edukasyon para sa mga magaaral sa SUCS’s.
Hawak naman ng kongreso ang pondong ilalaan para sa nasabing batas.
Ibinahagi naman ni Guevarra na base sa rekomendasyon ng CHED na sapat na ang 16B pesos para pondohan ang mandatory provision.
Sa susunod na enrollment posibleng maramdaman na ng mga magaaral sa SUCS’s ang libreng enrolment dahil puwede naman i-adjust ang budget ng 2017 para sa edukasyon.