JAMES LUIS
HINDI naman bababa sa labinlimang libong katao ang nanuod sa Rod Laver Arena para sa ginawang ‘Rally for Relief’ ng ilang tennis star.
Nagsama-sama ang mga tanyag sa mundo ng tennis kamakailan para sa isang special exhibition game na layong makakuha ng pondo na itutulong sa nasalanta ng nagpapatuloy na bushfire sa Australia.
Nakalikom naman ang grupo ng 5 million Australian Dollars o nasa $3.5 million.
Kabilang naman sa mga nagpasiklab sa naturang rally game ay sina Roger Federer, Nick Kyrgios, Rafael Nadal, Serena Williams, Caroline Wozniacki at Alexander Zverev.