Tinanghal bilang FIFA Best Player of the Year at kasama sa team of the year ang Croatian midfielder na si Luka Modric.
Ni: Eugene Flores
NATAPOS na ang paghahari nina Cristiano Ronaldo ng Juvetus Football Club at Lionel Messi ng Spanish club Barcelona matapos tanghalin bilang player of the year ng FIFA si Luka Modric ng Real Madrid.
Taong 2007 nang may huling nanalo ng titulong ito bukod kina Ronaldo at Messi.
Naungusan ng Croatian midfielder na si Modric sina Ronaldo at Mohamed Salah ng Liverpool FC.
“It’s a great honour and a beautiful feeling to stand here with this trophy,” wika ni Modric.
Hindi naman sumipot sa seremonya si Ronaldo at Messi na ginanap sa Grimaldi Forum, Monaco.
“I would like to give congratulations to Mohamed and Cristiano for the great season that they had. I am sure in the future you will have another opportunity to fight for this,” ani Modric para sa kalaban niya sa parangal.
Iniwasan naman nito ang diskusyon sa usap-usapang karapat-dapat ba siya sa parangal. Aniya, hindi ito makikipag-debate ukol sa isyu bagkus ay nagpapasalamat ito sa lahat ng bumoto at sumuporta sa kaniya.
Pinasalamatan din niya ang kanyang koponan at pamilya. “This trophy is not just mine. It is for my Real Madrid team-mates, the Croatia national team and all my coaches. This is also for my family, without whom I would not be the player I am,” sabi nito.
“Everyone has their own reasons. Obviously I would have liked them to be here but they aren’t, wika ni Luka.
Ayon naman sa kakampi nito sa Real Madrid na si Sergio Ramos, karapat-dapat ito sa nakuhang parangal.
“I am as happy as if I had won it. (Modric) deserves it, he is an excellent player and has marked an important era in the history of Real Madrid,” aniya.
Umani rin ng samu’t- saring papuri si Luka.
“It’s not easy to stop Modrić because he’s such a clever player, he can read the game so well and can play in many different areas.” wika ni José Mourinho dating Madrid manager.
Even if we leave trophies aside, the way he plays and the way he dominates for Real Madrid is impressive.” sabi ng dating Madrid at Croatia midfielder Robert Prosinečki
“He is a player who has a very different talent, he improves anyone who is around him. It shows when he is not on the field, Madrid is a different team without Luka.” wika ng kanyang kakampi na si Ivan Rakitic.
UEFA CHAMPION AT WORLD CUP FINALIST
Malaki ang naidulot ng pagkapanalo ng kampyeonato ni Luka sa Madrid at ang kanyang appearance sa finals ng FIFA World Cup 2018 para sa nakuhang parangal.
Matagumpay na nadepensahan ng Real Madrid ang tropeo kontra Liverpool upang makuha ang ikatlong sunod na kampyeonato sa UEFA Champions League.
Ito ang ika-13 titulo ng Madrid sa Champions League at ikaapat sa huling limang season.
Nadala naman niya sa kauna-unahang finals ng World Cup ang national team ng Croatia ngunit bigo itong maiuwi ang tropeo matapos talunin ng France sa iskor na 4-2.
Bigo man para sa titulo, nakuha naman ni Modric ang Golden Ball award sa torneyo.
Isang taon ng tagumpay ang nakamit ni Modric kung kaya’t naging malakas ang laban nito para sa prestilyosong parangal.
IBANG ATLETANG NAGNINGNING SA 2018
Tinanghal bilang Best FIFA Woman’s Player si Marta ng Orlando Pride at Brazil, ang kaniyang ika-anim na parangal at pinakamarami sa kasaysayan ng Women’s football.
Best FIFA Men’s coach si Didier Deschamps at Women’s coach si Reynald Pedros. Best FIFA Goalkeeper si Thibaut Courtois.
Nakuha naman ni Mohamed ang FIFA Puskas Award.
Pasok sa FIFA team of the year ang mga sumusunod: Luka Modric, Kylian Mbappe, Cristiano Ronaldo, Raphael Varane, David de Gea, Dani Alves, Eden Hazard, N’Golo Kante, Sergio Ramos at Marcelo.