POL MONTIBON
NADAGDAGAN pa ng isandaan tatlumpu’t siyam na bagong kaso ang misteryosong pneumonia outbreak sa Wuhan, China.
Ayon sa Wuhan Municipal Health Commission, nadiskubre ang panibagong kaso ng Coronavirus kamakailan.
Sa ngayon ay umabot na sa isandaan siyamnapu’t walo katao ang naitalang apektado ng misteryosong pneumonia virus kung saan tatlo dito ang kumpirmadong nasawi at dalawampu’t lima pa lamang ang gumaling sa naturang sakit.
Magugunitang nagsimula ang outbreak sa ipinasara nang seafood market sa syudad ng Wuhan noong Disyembre.
Ayon sa mga eksperto, maihahambing ang nasabing virus sa Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS outbreak na kumitil ng nasa walundaang katao dalawampung taon na ang nakaraan.