Ni: Shane Asidao
PWEDING gawin Tuwing summer, maraming mga estudyante ang nakabakasyon sa kani-kanilang tahanan. Marami rin ang nagpupunta sa mga ‘beach’ o pasyalanan upang mabawasan ang init na nararamdaman at ma-enjoy ang sarili. Ngunit, maliban sa pagpasyal, ano ba ang mga puwede pang gawin tuwing summer?
Isa na rito ang paglalaro ng mga ‘board games’ kasama ang pamilya o mga kaibigan. Hindi lamang ito nagbibigay ng aliw, bagkus nasusubukan rin ang talas ng ating isipan at diskarte.
Puwede rin mag-sideline sa pagtitinda ng mga pampalamig gaya ng halo-halo, ‘ice candy’, ‘shakes’, o ‘ice cream’. Masarap na, nakabawas sa init na nararanasan at higit sa lahat, kikita ka pa.
Ilan din sa mga puwedeng pagkaabalahan ang paghahabol sa mga serye na iyong sinusubaybayan.
Syempre, hindi na mawawala ang pagpunta sa mga ‘resorts’ o ‘beach’ para makaranas ng preskong hangin at ma-enjoy ang sarili.
Bagama’t maraming puwedeng gawin tuwing tag-init, alagaan ang sarili upang maka-iwas sa posibilidad ng ‘heat stroke’ at panatilihing uminom ng maraming tubig.