Umabot na sa mahigit 40 katao ang nasawi habang mahigit 600 katao naman ang sugatan sa pagsabog ng isang pesticide plant sa eastern China.
Naganap ang insidente bandang alas tres ng hapon noong huwebes sa Tianjiayi chemical plant sa syudad ng Yianching, hilaga ng Shanghai habang nadamay sa sunog ang mga kalapit nitong pabrika.
Mahigit 900 firefighters ang nagtulong-tulong upang maapula ang apoy bago ito humupa ngayong Biyernes ng madaling araw.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng pagsabog na gumagawa ng nasa 30 organic chemical compounds kung saan ang iba ay itinuturing na highly flammable.