MELODY NUÑEZ
IPINAGPALIBAN na rin muna ng pamunuan ng Miss Universe Philippines ang finals night ng pageant na orihinal na naka-schedule sa Mayo a-3.
Dahil sa banta ng COVID-19, minabuti ng Miss U Ph na iurong ang kanilang coronation night sa Hunyo a-14 na gaganapin pa rin sa Smart Araneta Colesium.
Kasunod na rin ito ng pagsuspinde ng Miss U Organization ng lahat ng pre-pageant activities ng mga kandidate para sa kaligtasan ng lahat.
Sa kabila nito, tiniyak ng Miss U Ph na nananatili silang committed na makapagbigay ng magarbo at mataas na lebel ng kompetisyon para sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant ng bansa.
Nauna namang mag-reschedule ng coronation night ang Binibining Pilipinas noong nakaraang linggo kung saan iniurong sa Mayo a-31 ang pageant finals na gaganapin sana sa Abril a-26.