PINANGUNAHAN ni Barangay Ginebra legend at dating senador Robert Jaworski, Sr. ang pagbigay ng parangal sa kampeon ng Ginebra 3×3 Tapang ng Tatluhan basketball tournament noong Linggo, Hulyo 7 sa Smart Araneta Coliseum.
Ang nanalo sa naturang torneo ay may cash prize na P250,000 at tropeo. Ang Ginebra 3×3 Tapang ng Tatluhan ang kauna-unahang nationwide grassroots basketball program ng Ginebra San Miguel at ng Philippine Basketball Association (PBA) para humanap ng basketball talents sa buong bansa.
Mahalaga ang torneo dahil ang 3×3 event ay kasama na sa 2020 Olympics.
Labing-anim na teams mula sa Manila, Cebu, Davao, Caloocan, Quezon, Iloilo, Bulacan, Cagayan de Oro, Tarlac, Cavite, Samar, Rizal, Pangasinan, Batangas, Bataan at Pampanga ang lalaban sa national finals sa Hulyo 5 sa Robinsons Place Manila. Ang top two teams ang papasok sa championship round.
Maliban sa 3×3 tournament, magkakaroon din ng slam dunk competition at 3-point shoot-out sa National Finals. Bawat kampeon ay magkakaroon ng P10,000 cash prize at trophy.