SMIN News
Sunog, sumiklab sa isang warehouse sa Quezon City
Pinas News
SUMIKLAB ang isang sunog sa warehouse ng trucking company sa West Los Angeles, Barangay San Bartolome, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula.
Kabilang sa tinupok ng apoy ang apat na truck at isang kotse.
Iniimbestigahan na ang pinagmulan ng apoy at halaga ng mga ari-ariang nasunog.
Gen. Guerrero, itinalaga bilang bagong hepe ng AFP
Pinas News
NAKAPILI na si Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga bilang bagong Armed Forces of the Philippines chief-of-staff sa katauhan ni Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Leonardo Guerrero.
Si Guerrero na miyembro ng Philippine Military Academy Class 1984 ang papalit sa puwesto ni Gen. Eduardo Año na magreretiro na sa serbisyo.
Una nang naipangako ni Pangulong Duterte kay Guerrero ang puwesto noong Hunyo 2, kung saan maaga sanang magreretiro si Año, subalit naantala ito nang pumutok ang giyera sa Marawi City.
Isasagawa ang turn-over ceremony ngayong araw kung saan panauhin mismo si Pangulong Duterte.
Trump, ‘Di dadalo sa East ASIAN Summit sa Clark – White House
Joshua Garcia, kinilig sa pag-amin ni Julia Barretto na inlove ito sa kanya
Pinas News
MASAYA’T KINIKILIG si Joshua Garcia sa pag-amin ni Julia Barreto na in- love ito sa kaniya.
Ginawa ni Julia ang nasabing pag-amin sa birthday celebreation ng halfsister niyang si Dani Barretto.
Samantala, naipakilala na ni Julia, si Joshua sa kaniyang daddy na si Dennis Padilla.
Boto rin daw ito at ang Pamilya Barreto kay Joshua para sa kaniya.