SMNI News
Operasyon ng DLTB, Dimple Star at RORO Bus, ipinasara ng MMDA
Mula sa pinagsanib na pwersa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), agad na ipinasara nito ang tatlong bus company na nakabase sa Cubao.
Giit ng MMDA at LTFRB, inabot na ng isang taon ang ibinigay sa mga ito upang ayusin ang mga kinakailangan na dokumento at pasilidad para sa bawat operasyon ng mga ito.
Ayon sa pamunuan ng DLTB, aminado naman daw sila sa kanilang pagkukulang at giit nila matagal na nilang pinoproseso ang permit sa barangay ang kaso ngalang hindi pa sila napabibigyan.
Nakikipag ugnayan din daw sila dito sa planong backdoor ng terminal at handa din itong bayaran ang mga masasagasaan na pamilya sakaling payagan na silang gibain ang pader nito.
Samantala, bagamat naabisuhan na noon pa, ikinagulat pa rin ng pamunuan ng RORO at Dimple Bus ang ginawang pagpapasara ng MMDA sa kanilang operasyon.
Maliban sa mga Operational Violations, nag hire din ang kumpanya ng siyam na tauhan na walang kaukulang occupational permit o clearance.
Ayon sa kondisyon ng MMDA, maaaring maibalik ang operasyon ng mga naipasarang bus terminal kung masusunod lang nito ang mga kailangang papeles na hinihingi nito
Kabilang dito ang pagkakaroon ng: locational fire safety inspection certificate
sanitary permit, waste department clearance, dept of public order and safety clearance.
Sa susunod na mga araw sa bahagi naman ng pasay saparanaque ang nakatakdang inspeksiyunin ng mmda at ltfrb upang masigurong naipapatupad ng mga bus terminal ang panuntunan ng ahensiya.
Pangulong Duterte, hiniling na i-extend ang Martial Law
TURN over of new BBL Draft
Pinas News
Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III (3rd from left) congratulates Moro Islamic Liberation Front (MILF) vice chairman for political affairs Ghadzali Jafaar as President Rodrigo Duterte (4th from left) and House Speaker Pantaleon Alvarez (5th from left) look on during the turnover ceremony for the new draft of the proposed Bangsamoro Basic Law at Malacañang Palace on Monday, July 17, 2017. Also in photo are (from left to right) MILF Chairman Al-Hajj Murad, Executive Secretary Salvador Medialdea and Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza
Pangulong Duterte, tiniyak na sesertipikahang ‘urgent bill’ ang BBL
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang sesertipikahang urgent ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag ng “commitment” at aniya’y “covenant” kasabay ng pagtanggap ng kopya ng BBL draft mula sa Bangsamoro Transition Commission (BTC) sa Malacañang.
Kasabay nito, umapela si Pangulong Duterte sa mga mambabatas na agad aksyunan ang panukalang ito.
Umaasa si Duterte na bago matapos ang kasalukuyang taon ay ganap nang batas ang BBL.
Dumalo sa okasyon sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Haj Ebrahim Murad, Bangsamoro Transition Commission (BTC) chair Ghazali Jaafar at Moro National Liberation Front (MNLF) chair Yusoph Jikiri.
Dagdag pa ng pangulo na sa pamamagitan nito, ay makakamit na rin ang pangmatagalan at pangkalahatang pag-unlad at kapayapaan sa rehiyon para na rin sa buong bansa.
Militar, naglunsad ng operasyon vs ISIS sa Pakistan
Pinas News
Sa Pakistan…
Naglunsad ng malawakang operasyon laban sa teroristang ISIS ang mga militar sa north western region nito sa kahabaan ng Afghan at Pakistan border.
Ayon sa mga otoridad, ang mga ISIS ay nakapagbuo na ng puwersa sa loob ng Afghanistan at dapat ay mapigilan ang paglaki ng puwersa at impluwensya nito.
Ang mga ISIS sa lugar ay mga dating miyembro ng militanteng Afghan at Pakistani na itinanggi noon ng gobyerno na mayroon nang presensya ng loob ng bansa.
Matatandaang kinokontrol ng ISIS ang ilang teritoryo sa Afghanistan at patuloy na pinapalaki ang puwersa nito sa Pakistan simula pa noong 2015 kung saan inilunsad nito ang unang pag-atake sa bansa.