Ni:Wally Peralta
ILANG taon na rin naman ang nakalilipas, naging laman ng kontrobersya ang aktres na si Snooky Serna. Madalang siyang kunin sa mga pelikula at kahit pa sa mga television shows. May attitude problem kasi ang isang Snooky noon. Walang naging direksyon ang kanyang showbiz career, lilitaw at muling mawawala hanggang sa mabalitaan na naghihirap na at kinakapos na siya sa pera. Pero lahat ng iyon ay nalagpasan ni Snooky and look at her now, blooming ang kanyang karir at happy sa kanyang personal na buhay. Ano ang naging hudyat kay Snooky para tuluyan niyang baguhin ang kanyang kapalaran, mula sa magulong mundo patungo sa mundo ng kasiyahan? “Happy lang ngayon walang problema,” ang masayang bungad ng aktres.
“I would like to think na past is past at ibang chapter na ng life ko ito. Masayang chapter na ito ng aking buhay.”
FLYING PAGONG
Isa sa bansag noon kay Snooky ang pagiging pagong niya sa industriya. Kinumpara pa nga ito noon sa kanyang kasikatan, na tila mahina ang pagningning ng kanyang estrella. Tinawag na pagong si Snooky, hindi lang dahil sa kanyang career path kundi pati na rin sa kanyang working habits. Halos matatapos na ang taping bago siya dumating sa location.
May call time siyang maaga pero gabi na sisipot kung kaya kadalasan ay nagiging cause of delay noon si Snooky. Pero tila ngayon ay iba na ang pagong, bumilis na ito at parang kuneho pa na tumatalon kung dumating sa set.
FAITH
Marami rin ang nagulat sa biglang pagbabago ng attitude ni Snooky, ‘nawala’ siya sa limelight, paulit-ulit na bumalik at nawala, nanaman, pero by this time ay total changed na Snooky Serna na ang bumulaga sa masa, anyare?
“I don’t want to make it sounds religious pero binago talaga ako ng Panginoon!” “Una sa lahat nawala na yung ‘tamad’, basta, yung hindi magandang kaugalian ko, nawala…”
AYAW PANG MAGING ISANG LOLA
Pero kung gaano maituturing na ‘mabilis’ ang kanyang pagbabago at nakasanayan sa kanyang sarili, ang hindi napansin ng lahat ay ang paglipas ng panahon. Tulad ng mga nakasabayan niya sa industriya, nagkakaedad na rin si Snooky pero kung yung si Maricel Soriano na kanyang kasabayan ay may mga apo na sa kanyang mga anak, tila naiiwan si Snooky.
“Naku, mga dalaga na nga pala ang aking mga dating bagets. Si Sam is 24 and si Sachi, ang bunso ko, is 21. Sabi nga nila mga xerox copy ko ang mga babies ko, ha ha ha ha.”
“Ay naku, wala pa!” “Hindi pa raw sila mag-aasawa, kasi mga career girls.”
“Saka hindi pa rin naman ako handang maging isang lola, kaya mabuti na lang hindi pa rin naman silang handang mag-asawa pa. Eh, ang magboypren nga ay wala pa rin sa isipan ng aking mga girls, mag-asawa pa kaya!”
“Iba na talaga ang mga priorities ng mga kabataan ngayon. Mind ang pinaiiral ngayon, which is good, ako kasi masyadongmapuso noong kabataan ko. Kung kaya siguro Kapuso ako ngayon ha ha ha, maipasok lang!”
PWEDE KAHIT SAANG ISTASYON…
And speaking of Kapuso, exclusive contract star ba siya ng naturang television network?
“Sa ngayon ay hindi po exclusive, per project basis pa rin ako.”
“Hindi naman ako nawawalan ng trabaho sa GMA-7, thank God, sunod-sunod ang project ko sa Kapuso. Simula nang nag-start ako ulit, yung bago na ang chapter ng buhay ko.”
“God Bless me, sunod-sunod na talaga lagi ang trabaho ko. Hindi lang po sa telebisyon, kahit po sa movies,” pagtatapos ni Snooky.