• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Social Science

K-to-12 sa bansa, Kumusta na?

February 5, 2018 by Pinas News

Louie C. Montemar

Nagsisimula nang magtapos ang mga unang batch ng mga estudyanteng produkto ng programang K-to-12 ng Department of Education (DepEd).  Sa ilalim ng nakaraang administrasyon, pinilit talagang masimulan ang pagpapatupad nito.

Sa ngayon, may sampung taon na ng batayang edukasyon para sa mga batang Pilipino kumpara sa dating sampung taon lamang.  Mas tugma ngayon ang laman ng ating mga programang pang-edukasyon sa elementarya at high school kung ihahambing sa iba pang sistemang pang-edukasyon sa buong mundo.

Inilatag ang programang K-12 dahil sa paglalayon ng ating pamahalaan na mas magkaroon ng pagkakataon ang ating mga mag-aaral na maging handa sa patuloy na pag-aaral o upang makapagtrabaho sa ibang bansa kung nanaisin nila. Mas madali rin para sa mas marami pang mga banyaga na ituloy ang kanilang pag-aaral dito sa atin sa ilalim ng sistemang K-to-12. Sa ilalim kasi ng programang K-to-12, dadagdagan ang bilang ng taon (dalawa) ng pag-aaral gaya ng sa maraming bansa, at babaguhin ang laman ng kurikulum upang ibilang ang mga makabagong kaalaman at mapatupad ang isang sistema ng pagtuturo na naghuhubog (sana) sa isang mapanuring isipan, mga batayang kasanayan sa paggawa, at naaayon sa pangangailangan ng isang makabagong mundo.

Ngayong taon mismo, ilang libong mag-aaral na rin ang nakapagtapos na bilang Senior High School students. Sa kurikulum ng senior high school, makakapili ang mga mag-aaral ng espesiyalisasyon sap ag-aaral. Kung nais nila ang diin sa siyensiya bilang laman ng kanilang pag-aarla, halimbawa na lamang, makapapasok sila sa STEM (Science, Technology and Mathematics) track.  May tracks sa humanities, social science, technology and livelihood o vocational technology, at iba pa.

Magandang ideya sana sa pangkalahatan ang laman ng K-to-12. Nangangailangan nga lamang ito ng mahuhusay na guro at magandang kooperasyon ng pribadong sector upang mapatupad.  Malaki rin siyempre ang naging pangangangailangan nito sa mga karagdagang building at silid-aralan at iba pang lohistika.

Sa ideyal, handa na dapat sa kalakhan ang mga nakatapos ng K-to-12 na magtrabaho na kung nais nila. Hindi naman talaga kailangan para sa lahat ng mamamayan na makatuntong pa ng kolehiyo upang pumasok sa pormal na mundo ng paggawa at kasanayan. Ang kolehiyo ay para sana sa karagdagang pag-aaral na lamang, ispesyalisasyon, at pananaliksik.

Nag-aalala lamang ngayon ang ilan kung handa na nga ba ang mga istudyanteng nagtapos ng senior high school upang maging mga mangggawa, empleyado, o entrepreneur. Isang samahan ng mga business leaders ang kalian lamang nagsabi na tila hilaw pa rin ang mga bagong nagtapos ng K-to-12.

Sa ganang akin, dito higit na papasok ang pangangailangan sa pag-unawa at kooperasyon o aktibong pagsuporta ng pribadong sector. Dapat naman talagang binubukas ng mga nagmamay-ari ng negosyo ang kanilang mga organisasyon sa mga mag-aaral ng K-to-12, halimbawa na, at maging on-the-job (OJT) o “immersion site” sila ng mga paaralan sa ilalim ng programang K-to-12.  Kung sa ngayon, sa tingin nila hilaw pa ang mga nagsipagtapos, baka naman kailangan nilang sinupin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa lokalidad kung saan naroon ang kanilang negosyo.  Tulungan sana nila mga paaralan upang mapayaman pa ang programang pang-edukasyon at matulungan ang ating mga guro.

Opinyon Slider Ticker Department of Education DepEd Humanities immersion site K-to-12 OJT on-the-job Science Technology and Mathematics Senior High School Social Science STEM Technology and Livelihood Tracks Vocational Technology

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.