JHOMEL SANTOS
MAS pinadali ngayon ng Social Security System (SSS) ang pagproseso ng maternity benefit claims.
Kasunod ito ng Ease of Doing Business Act and the Expanded Maternity Leave Law (EMLL) na ipinapatupad ng pamahalaan.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, ang dagdag na guidelines ay para sa maternity benefit claims sa bawat delivery, miscarriage, o emergency termination ng pagbubuntis mula at pagkatapos ng Marso a-onse ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Ignacio na hindi na kasama ang dagdag na dokumento kung caesarean ang panganganak ng miyembro.
Paliwanag pa ng opisyal na ang mga kababaihang miyembro ng SSS na nag- aaplay ng maternity benefit claims ay may opsyon na mag-update o magmantine ng kanilang maiden names.
Dagdag pa ni Ignacio na ang SSS ay tatanggap at magpoproseso ng maternity claim applications at supporting documents kahit may konting discrepancies o inconsistencies basta’t makikilala ang pagkatao ng mga miyembro.