EYESHA ENDAR
HINDI kailangan pang bigyan ng Emergency Powers si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang mabigat na daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.
Ito ang iginiit ni Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection kasunod ng pagsusulong sa Kongreso na bigyan ng Emergency Powers ang Pangulo.
Ayon kay Inton, sapat na ang kapangyarihan at direktiba ng Pangulo noong SONA sa mga Local Officials upang tugunan ng mga ito ang kanyang kautusan na linisin ng mga ito ang kanilang nasasakupan at muling magamit ng publiko ang mga sidewalk na iligal na inukupahan ng mga pribadong indibidwal.
Hinihingi rin ni Inton na itigil na muna ang pag bash sa mga officials dahil deserving silang sumikat at magpasikat basta tama ang kanilang ginagawa para sa lungsod.