DZAR 1026 Sonshine Radio Manila Station Manager Admar Vilando at LtGen. Rozzano Briguez, Commanding General, Phil. Air Force.
ADMAR VILANDO
Kabilang ang Sonshine Media Network Int’l (SMNI) sa mga binigyan ng pagkilala ng Philippine Air Force (PAF).
Binigyan ng pagkilala ng PAF ang SMNI na naging katuwang nila para mailahad sa mga manonood sa Sonshine TV at mga nakikinig sa Sonshine Radio sa loob at labas ng bansa ang mga makabuluhang balita at impormasyon sa publiko.
Kabilang lang ito sa patuloy na isinusulong ng SMNI maliban pa sa mula sa pusong pagbibigay ng public service.
Ginanap ang pagbibigay parangal sa SMNI at iba pang media entity sa Media Night na inorganisa ng PAF sa Col. Jesus Villamor Air Base sa Pasay City kamakailan.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PAF Commanding General LtGen. Rozzano Briguez ang mahalagang papel ng media sa kanila.
Anya sa tulong ng media, lalong nabuksan ang isip ng publiko na hindi lang pagpapalipad ng eroplano o helicopter bilang air support ang kaya ng PAF kundi marami pa silang maibibigay ng serbisyo sa mamamayan.
“Right now, the general public knows that are more than capable of performing a wide range of missions that concerns teritorial defense instability, humanitarian assistance and disaster response, performance of internal defense and security engagement and peace support operations and more visibly our law enforcement support operation”, saad ni LtGen. Briguez.
Maliban sa SMNI binigyan din ng pagkilala ang Defense Press Corps at ang government station na PTV.
Sa huli ipinaabot ng 3 star general ang taos pusong pasasalamat nito sa mga media na walang sawang sumusuporta sa kanila.
Si Pastor Apollo C Quiboloy na siyang Chairman ng SMNI ay matagal nang nagsusulong na bigyang halaga ang makabuluhang pagpakalat ng mga mahahalaga at kapakipakinabang na mga balita at impormasyon sa bayan.