• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Sonshine Radio

Maguindanao Massacre Case, masyadong matagal ang tinakbo ayon sa isang eksperto

December 30, 2019 by PINAS

 DR. JEAN Encinas Franco, Political Science Professor ng University of the Philippines

 

HANNAH JANE SANCHO

Sa naging panayam ng Sonshine Radio, kay Dr. Jean Encinas Franco, Political Science Professor ng University of the Philippines sinabi nitong nakalulungkot ang tinagal ng kaso ng Maguindanao Massacre.

Pero natuwa naman ito na sa wakas ay nagkaroon na ng closure ang mga pamilya ng biktima.

Samantala, inisip din ni Franco ang mga simpleng mamamayan kung gaano kahabang panahon naman ang tatahakin ng mga ito bago tuluyang makuha ang hustisya sa kabila ng pagharap ng mga ito sa mga di gaanong high-profile na kaso.

“Ah totoo, nakakalungkot na napakatagal bago nabigyan ng hatol. At iniisip ko nga, paano pa yung mga hindi high-profile cases. Diba, gaano pa siguro yung haba ng tatahakin nila na panahon bago magkaroon ng hustisya. Ngunit gayunpaman, natutuwa ako na finally nagka-verdict na. Nagkaroon na rin ng closure, hopefully yung pamilya ng biktima,” ani Dr. Jean Encinas Franco.

Sa huli sinabi ng propesor na tunay lamang na makakamit ang hustisya sa Maguindanao Massacre Case kung hindi na muli ito mauulit lalong-lalo na sa mga mamamahayag.

Dahil aniya nakikilala na ang ating bansa sa maraming namamatay na mga journalist.

Dagdag pa nito na napaka-importante ng freedom of the press sa demokrasiya ng bansa.

“Ang pinaka tingin kong hustisya makakamit nila e, na hindi na ito mangyari pa sa kahit na sinong journalist o mamamahayag sa bansa. Dahil diba nagiging kilala na yung bansa natin na kung saan maraming namamatay na mamamahayag. At hindi ito maganda siyempre, dahil yung freedom of the press ay napaka fundamental sa ating demokrasiya”, pagtatapos ni Dr. Franco.

Pambansa Slider Ticker kay Dr. Jean Encinas Franco Political Science Professor Sonshine Radio

Pangulong Duterte sinibak  bilang ICAD Co-Chair si VP Leni

November 25, 2019 by PINAS

 

HANNAH JANE SANCHO

KINUMPIRMA ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Sonshine Radio na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) si VP Leni.

Sa Press Briefing sa South Korea nagpaliwanag si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa naging desisyon ni Pangulong Duterte sa kabila nang hindi pa umaabot sa isang buwan ang appointment kay VP Leni bilang Anti Drug Czar.

Ani Panelo, tugon na rin sa suhestiyon ni Liberal Party President  Francis Pangilinan  na alisin na lang ang Bise Presidente sa ICAD kasunod sa pahayag ng Panguulo na wala itong tiwala sa Bise Presidente.

Isa rin sa dahilan ayon sa tagapagsalita ng Palasyo na ang pahayag mismo ni VP Leni na tila panunuya nito sa Pangulo na alisin sa pwesto.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte na wala itong tiwala sa Bise Presidente dahil bahagi ito ng oposisyon.

Pambansa Slider Ticker Executive Secretary Salvador Medialdea Pangulong Rodrigo Duterte Presidential Spokesperson Salvador Panelo Sonshine Radio

Mga ahensya ng pamahalaan, dapat umanong magkaroon ng “citizen’s charter”

August 8, 2019 by PINAS

CRESILYN CATARONG

Dapat na nakapaskil sa mga kitang lugar ang tinatawag na “Citizen’s Charter” sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ito ang iginiit ni anti-red tape authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News.

Ayon kay Belgica, nakalista sa citizen’s charter ang mandato ng ahensiya, mga kinakailangang requirements sa bawat transaksyon at kung magkano lang ang babayaran ng kliyente.

Maaari namang suspendihin ng 6 na buwan ang sinumang lalabag dito.

Pambansa Slider Ticker ARTA citizen’s charter CRESILYN CATARONG Director General Jeremiah Belgica SMNI News Sonshine Radio

Pagtaas ng excise tax sa tobacco products, ikinatuwa ng health advocate group

July 29, 2019 by PINAS

UMAASA ang Health Justice na magiging mahigpit ang mga local government officials sa pag-implement ng kanilang mga ordinansa laban sa paninigarilyo.

 

HANNAH JANE SANCHO

 

SUPORTADO ng isang public health advocate group ang Tobacco Excise Law na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Health Justice Philippines Project Manager Ralph Degollacion, ang pagtaas sa P45 hanggang P60 kada pakete ng sigarilyo ay malaking tulong para mabawasan ang bilang ng mga maninigarilyo.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News kay Degollacion, sinabi nito na sa kabila ng mahigit 40 na mga sakit ang nakukuha mula sa paninigarilyo ay nasa higit 15 milyong Pinoy pa rin ang lulong sa naturang bisyo.

Batay sa pag-aaral ng Health Justice, umaabot sa humigit-kumulang 10,000 piso ang ginagastos ng isang maninigarilyo na hindi nila namamalayan dahil sa patingi-tinging pagbili ng mga ito.

Pambansa Slider Ticker HANNAH JANE SANCHO Health Justice Philippines Project Manager Ralph Degollacion Pangulong Rodrigo Duterte Sonshine Radio

Nationwide search for Radyoke Shining Star ng Sonshine Radio natapos na!

October 23, 2017 by Pinas News

Pinas News

SA loob ng halos isang taon natapos na rin ang pangangalap ng Sonshine Radio sa itatanghal na Radyoke Shining Star Champion sa taong 2017 na ginanap nakaraang Oktubre 12 sa Fisher’s Mall sa Quezon City.

Ito’y tinaguriang ‘Nationwide Battle of the Champions’ dahil haharap sa huling yugto ng patimpalak ang mga regional champions mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang makipagtagisan ng kanilang  mga talento sa pagkanta sa pag-asang makamit ang minimithing titulong Radyoke Shining Star Champion.

Kabilang sa mga contender sa huling yugto ng paligsahan sa katergoryang kids at open ay sina Sean Mio Pongos at Krezia Toñacao ng DZAR Manila; Kim Kristin Julia Zara at Alyssa Mae Bridget Erasquin ng DZRD Dagupan; Christian Joe Belmonte at Mary Jane Novelo ng DWAY Cabanatuan; Jhebie Faye Fulgencio at Leslie Joyce Viray ng DWSI Santiago; Cybel de Luna at Reine Christine Rarang ng DZYT Tuguegarao; John Paul Gumandoy at Shenahia Postrero ng DYAR Cebu; Queenie Torremocha at Yvonne Piyao ng DXRD Davao.

Kabilang sa mga batikan at kilalang mga hurado ay sina Christopher Francis, CEO at managing director ng Artist League Manila; Elmer B. Blancaflor, Musical director ng mga kilalang mang-aawit kagaya nina Jessa Saragosa, Dingdong Avanzado atbp.; Vhenee Saturno ng Music Corp.; Tony Cuevas, isang batikang broadcaster at anchor ng DZAR Sonshine Radio; at ang chairman of the board of judges na si Marlon Rosete, International Music Coordinator ng Keeper’s Club International.

Naghandog ang mga finalist mula sa open at kids category ng isang introduction number kungsaan nagpakita na ang mga ito ng galing sa kanilang pagkanta kasabay ng pagsayaw bago nagpakilala ang bawat isa sa kanilang pinanggalingang lugar at anong sangay ng Sonshine Radio station nagrepresenta ang mga ito.

Sa unang bahagi ng labanan ay magtagisan ang mga finalist sa pagkanta ng Tagalog songs kungsaan tatlo sa bawat kategorya ang mapipili upang sasabak sa huling bahagi ng labanan. Ang mga napiling nanalo ay magpapakita naman ng galing sa pagkanta ng English songs. Mula sa tatlong mga nanatili sa kids at open category ay pipili ang mga hurado kung sino sa kanila ang karapat-dapat na tanghaling kampyeon ngayong taon 2017.

Sa matindi at masusing paglalahad ng kanilang opinyon, napagdesisyunan ng mga hurado ang pagkapanalo bilang Sonshine Radio Radyoke Shining Star 2017 ni Alyssa Mae Bridget Erasquin ng open category at Kim Kristin Julia Zara ng kids category na kapwa ay pride ng Dagupan!

Natanggap ni Alyssa Mae ang gantimpala ng open category kabilang ang trophy, P50,000 cash, full scholarship hatid ng Artist League, Oasis P30,000 halaga ng gift certificate,  mga produkto mula sa Zenzest, Yan Yan, The Brick Yard, Bio Essence gift certificate, Rainbow Dream Spa, at K Ross perfume. Habang natanggap naman ni Kim Kristin ang trophy, P30, 000 cash mula sa Kionchan and Tomochan, full scholarship hatid ng Artist League, Oasis P30, 000 halaga ng gift certificate, P36,000 halaga ng VIP card hatid ng T and J Salon, mga produkto mula sa Zenzest, Yan Yan, The Brick Yard, Bio Essence gift certificate, Rainbow Spa, at K Ross perfume.

At sa mga hindi pinalad, nakatanggap din ang mga ito ng trophy sa kanilang pagkapanalo sa regional level, consolation prize, mga gift packs at gift checks mula sa mga sponsors.

Malaki ang pasasalamat ng Sonshine Radio sa lahat ng sumuporta upang maging matagumpay ang naturang patimpalak unang-una sa CEO ng Sonshine Media Network International na si Pastor Apollo C. Quiboloy at sa mga major sponsors kabilang ang Philhealth, Pagcor, Yan Yan Food Inc., JB Bagoong, Galilee Purified Drinking Water; sa event patron kabilang ang Kionchan & Tomochan, Oasis Dental Clinic, Zenzest, Virginia Food Inc., St. Claire Caloocan, The Brickyard, Salad Bar, T&J Salon, Rainbow Dream, Bioessence, K Ross, Razor Fish, Nails.Glow, SND Grill, sa mga special partners kabilang ang Shopalooza Bazaar Riverbanks Marikina, Mplify, Artist League, Local Water Utilities Administrator (LWUA) Residence, Keeper Club International, Global Tronics, Die Royal Travel, Robinsons Forum, at media partners kabilang ang Pinas The Filipino Global Newspaper, SMNI News Channel (SNC), at SMNI TV.

 

 

Metro News Slider Ticker Alyssa Mae Bridget Erasquin Artist League Bio Essence gift certificate Christian Joe Belmonte Christopher Francis Cybel de Luna Dingdong Avanzado DWAY Cabanatuan DWSI Santiago DXRD Davao DYAR Cebu DZAR Manila DZRD Dagupan DZYT Tuguegarao Elmer B. Blancaflor Fisher’s Mall sa Quezon City Jessa Saragosa Jhebie Faye Fulgencio John Paul Gumandoy K Ross perfume Kim Kristin Julia Zara Krezia Toñacao Leslie Joyce Viray Marlon Rosete Mary Jane Novelo Oasis Oktubre 12 2017 P30000 P50000 Pastor Apollo C. Quiboloy Queenie Torremocha Radyoke Shining Star Rainbow Dream Spa Reine Christine Rarang Sean Mio Pongos Shenahia Postrero SMNI News Sonshine Radio T and J Salon The Brick Yard Tony Cuevas Vhenee Saturno Yan Yan Yvonne Piyao Zenzest

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.