• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Tuesday - January 19, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

South China Sea

Biyaheng Africa, biyaheng Calauit?

November 13, 2018 by Pinas News

Masuwerteng dumami sa isla ng Calauit ang lahi ng African giraffe at zebra na makikita sa larawang ito. Idineklara ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang paggamit ng isla ng Calauit bilang ‘sanctuary island’ upang maisalba ang mga hayop na nagmula pa sa Africa.   Ang buong isla ay idineklarang sanctuario ng mga hayop noong 1977, at ngayon ito ay dinadayo ng mga lokal na turista at dayuhan upang makasalamuha ang mga hayop na tulad ng giraffe at zebra sa isla.

 

Ni: Edmund Cunanan Gallanosa

MARAHIL, marami sa atin —kung mabibigyan ng pagkakataon o may kakayahan —ang nagnanais din masilayan ang angking kagandahan at kakaibang pang-akit ng Africa. Bagaman malayo sa Pilipinas ang tinaguriang “Dark continent,” hindi na rin lingid sa karamihan ang mga maaaring maranasan at makita kung bibisitahin ang Africa at lalahok sa isang safari.

SA panahong ito na wala na yatang lugar na hindi maaaring bisitahin kung hindi man sa aktwal na paglakbay ay magagawa rin naman ang virtual trip o sa pamamagitan ng Internet. Kung pasyal kasi sa hindi pangkaraniwang lugar, lalo na kung ang nais ay nature trip, pinakamagandang tumungo sa Africa.  Kung nais naman makita ang mga exotic na hayop na sa telebisyon lamang o mga magazine nasisilayan, tulad ng mga zebra, iba’t ibang lahi ng usa, elepante, at higit sa lahat ang leon, mag’ipon na para makapaglakbay doon.

Habang hindi pa handa sa pagtungo sa Africa, huwag kalimutan na dito sa Pilipinas mismo, may matatagpuang lugar na tinaguriang “A little piece of Africa.”   

Ang Calauit, isa sa mga isla sa Calamian Group of Islands ay matatagpuan papalaot ng South China Sea ang nabibigay sa mga bumibisita ng kakaibang karanasan at maituturing na isang introduksyon sa Africa.  Bagama’t malapit ito sa Mindoro Strait, sakop ang islang ito ng munisipalidad ng Busuanga, sa Probinsiya ng Palawan.

Idineklara ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang isla ng Calauit bilang sanctuary island upang maisalba ang mga hayop na direktang dinala sa Pilipinas mula sa Africa.   Ang buong isla ay idineklarang sanctuario ng mga hayop noong 1977. Sa ngayon ito ay mas kilala bilang Calauit Safari Park.

Ang isla ng Calauit —3,700 ektarya sa Calamian Islands chain —ay napili dahil ang lupain dito at klima ay halos kapareho ng mga kapatagan sa Africa.  May civil War na nagaganap noong panahon na iyon sa maraming bansa sa Africa. Libu-libong mamamayan doon ang nangamatay, kabilang na ang mga hayop sanhi ng labanan, matinding init, tag-tuyot at gutom.  Dahil dito, humingi ng tulong ang ilang liderato ng African nations sa buong mundo.   Sa pakiusap noon ng presidente ng Kenya na si Jomo Kenyatta na tulungan silang maisalba ang ilang mga hayop na nagsisipagmatay, at tumugon ang Pilipinas. Nakipag-ugnayan ang Kenya sa Conservation and Resource Management Foundation (CRMF) na namahala naman noon sa itinatag na forest preserve at wildlife sanctuary ng Calauit.

Taong 1977 inangkat ang mga hayop mula sa Africa.  Dumating ang 12 bushbucks, 11 elands, 11 gazelles, 15 giraffes, 18 impalas, 12 waterbucks, 10 topis, at 15 zebras.   Sa hiling ng ilang pinuno ng Africa na ‘ampunin’ ang ilan sa kanilang mga hayop mula sa pagkakaubos dahil na rin sa giyera at tagtuyot sa bansa nila, tumugon ang Pilipinas sa pangunguna ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos at nabuo ang Calauit Island Sarari Park.  Lulan ang mga ito ng barkong MV Salvador noong Marso 4, 1977.

 

Mga hayop ng Africa sa Pilipinas

Taong 1977 ibiniyahe ang mga hayop mula sa Africa hanggang sa Pilipinas. Dumating noong Marso 4, 1977 ang 12 bushbuck, 11 eland, 11 gazelle, 15 giraffe, 18 impala, 12 waterbuck, 10 topi, at 15 zebra, lulan ng  barkong MV Salvador.  Dahil walang mga predatory animals tulad ng leon at tigre na maaaring pumatay sa kanila, dumami ang mga hayop na ito.  Sa loob lamang ng limang taon, may 143 na ipinanganak na hayop sa Calauit.  Partikular ang mga giraffe at zebra na sa kagandahang palad, ay naging hiyang sa Calauit at dumami rin.

Ilan pa sa mga matagumpay na nagsipagdami sa Calauit ay ang mga sumusunod:

RETICULATED GIRAFFE. Mas kilala bilang Somali giraffe, matatagpuan ang mga ito sa Somalia, Southern Ethiopia at Northern Kenya. Labinlimang giraffe ang ibinyahe papunta sa Calauit na ‘di nagtagal ay dumami. Sa kasalukuyan, tinatayang may 27 na ang giraffe doon at inaasahang darami pa at mamayagpag sila bilang isa sa pangunahing atraksyon sa isla.

COMMON ELAND (Taurotragus oryx).  Isa sa pinaka-malaking lahi ng Antelope sa Africa, 11 ang unang batch ng eland na idinala sa isla.  Bagama’t may kahirapan sa pag-track down sa hayop na ito dahil na rin sa mahiyain at bihira magpakita sa mga tao, noong 2013 ay namataan ang tinatayang mga 23 nito sa isla.

GREVY’S ZEBRA (Equus grevyi).  Ito ang pinaka malaki sa lahi ng mga zebras. Labinlima sa mga ito ang unang dinala sa isla at sinuwerte ring namayagpag. Naging hiyang ang mga ito sa klima at lokasyon ng lugar kaya naman umakyat na sa 34 na ang dami nito nang huling bilangin sila noong 2016.  Masuwerte ang Pilipinas at napaparami na ito sapagkat ang Grevy zebra ang pinaka endangered sa lahi ng mga zebra.

WATERBUCK (Kobus ellipsiprymnus). Isa itong klase ng antelope na matatagpuan sa sub-Saharan Africa.  Labindalawa sa mga ito ang dinala sa isla kasabay ng iba pang hayop noong 1977. Mahiyain itong hayop na ito at madalas mailap ito sa mga turista.

Bagama’t sinuwerte ang mga hayop na nabanggit, hindi naman pinalad ang ilang lahi ng mga usa sa isla. Isa sa mga dahilang nakita ay hindi naging hiyang sa klima ang mga ito at ang pagsulpot ng teritorrial dispute sa pagitan ng iba’t-ibang lahi ng usa.  Kabilang sa mga lahi ng usa na dinala sa Calauit ang Impala, Topi, Bushbucks at Thomson’s gazelle na idineklara nang extinct sa Calauit ilang taon na ang nakakalipas.

Matatagpuan rin sa isla ang ilan sa ating mga lokal na hayop na ang karamihan ay matatagpuan lamang sa bansa, partikular na sa probinsya ng Palawan.   Ilan dito ay ang Calamian deer, ang Palawan bearded pig, ang Philippine crocodile (Crocodylus mindorensis), ang Philippine porcupine  (Hystrix pumila), ang pamosong Binturong o Palawan bear-cat (Arctictis binturong) at ang Philippine mouse-deer (Tragulus nigricans), isa sa kinikilalang pinaka-maliit na lahi ng usa na halos sinlaki lamang ng pusa.

Paano mararating o makakabisita sa Calauit? Kumontak sa inyong mga lokal na travel agent. May mga nag o-offer ng tour sa isla. Ang Calauit ay maaaring marating sa halagang P3,500 hanggang P7,000 bawa’t tao depende sa lokasyon ng pagsisimulan ng inyong byahe papunta sa isla.

Environment Slider Ticker Biyaheng Africa biyaheng Calauit? Calamian Group of Islands COMMON ELAND (Taurotragus oryx) Conservation and Resource Management Foundation (CRMF) Edmund Cunanan Gallanosa GREVY’S ZEBRA (Equus grevyi) MV Salvador Pangulong Ferdinand Marcos Pilipinas PINAS RETICULATED GIRAFFE SAFARI South China Sea WATERBUCK (Kobus ellipsiprymnus) wildlife sanctuary

US v. China: Showdown sa West PH Sea

October 26, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel Cahilig

PATULOY ang pagtindi ng tensyon sa pagitan ng US at China, at ang umiinit na girian ng dalawang makapangyarihang bansa ay ramdam na ramdam na sa West Philippine Sea (South China Sea), na pinangangambahan ng ilan na maaring humantong sa isang military confrontation.

Sa ngayon, ang ekonomiya ng China ang isa sa pinakamabilis ang paglago sa mga developing economy sa buong mundo. Ito ang pinakamalaking exporter ng mga produkto at serbisyo sa mga first world countries tulad ng Amerika at patuloy din ang pagdami ng foreign direct investments nito. Kaya  tinatagurian ngayon na “next most powerful economy of the world” ang bansang minsan nang tinaguriang “sleeping giant.”

Kasabay ng paglago ng ekonomiya ng China ay ang paglakas din ng kakayahang militar, na siyang ipinapakita sa pambu-bully at pag-angkin sa mga bahagi ng South China Sea na sakop ng teritoryo ng iba’t-ibang mga bansa sa Southeast Asia, tulad ng Malaysia, Indonesia, Vietnam, at Pilipinas.

Bagama’t nakamit ng Pilipinas ang landmark victory sa international tribunal noong 2016, kung saan idineklara ng korte na hindi valid ang nine-dash line claim ng China na batayan nito sa pag-angkin sa West Philippine Sea at sa mga yamang taglay nito, naging agresibo pa rin ang China sa militarisasyon doon— bagay na lubhang nakaapekto sa kabuhayan ng maraming lokal na mangingisda, na napaulat na itinataboy at hina-harass ng Chinese navy.

Tila bantulot din ang Duterte administration sa pagsusulong ng karapatan ng Pinas sa pinagtatalunang teritoryo, sa katwirang umiiwas ito sa pagkakaroon ng giyera laban sa China, na itinuturing ni Pangulong Duterte bilang “kaibigan.” Ito ay sa kabila ng paninindigan at mga hakbang ng mga karatig bansa natin kontra sa pambu-bully ng China. Kamakailan nga ay pumasok sa isang kasunduan ang Vietnam at Japan para isulong ang kanilang seguridad sa pinagtatalunang teritoryo.

Ang pagtatayo ng base militar ng China sa South China Sea ay di lamang nakakaapekto sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa dahil nililimitahan nito ang kalayaan sa paglalayag sa naturang rehiyon.

Nakatakdang magsagawa ng military exercise sa South China Sea ang U.S. Navy para isulong ang freedom of navigation. Nguni’t di ito lalahukan ng Pilipinas.

 

SINDAKAN SA KARAGATAN

Sa ilalim ng administrasyon ni President Donald Trump, minabuting paigtingin ng US ang military activities nito sa South China Sea sa pamamagitan ng pagpapalipad ng B-52s na may kakayahang maglulan ng nuclear weapons. Ipinahihiwatig lang ng Amerika sa China na walang kaduda-duda na sila pa rin ang pinaka makapangyarihang bansa sa buong mundo, at pagtulong din sa mga kaalyado nito sa Asya.

At kamakailan ay umigting pa ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa nang muntik nang magka-banggaan sa bandang Graven Reef ang isang Chinese destroyer at ang USS Decatur, na nagsasagawa ng freedom of navigation operation.

Ikinagalit ng China ang insidente at tinawag na “provocative.” Kaya naman nagbitaw ng pahayag ang isang Chinese air force spokesman na naglagay na sila ng nuclear-capable bombers sa Woody Island para palakasin ang kanilang kakayahan na makapagsagawa ng air strikes sa lahat ng direksyon, “as well as preparation for the battle for the South China Sea.”

Tugon naman ni US Vice-President Mike Pence, hindi pasisindak ang Amerika, kasabay ang pagmamatigas, tuloy pa rin ang pagpapararamdam ng pwersa ng US sa pinagtatalunang karagatan.

“Despite such reckless harassment, the United States Navy will continue to fly, sail and operate wherever international law allows and our national interests demand. We will not be intimidated. We will not stand down,” pahayag ni Pence.

Bukod sa di-pagkakasundo sa South China Sea, mayroong umiiral na trade war sa pagitan ng US at China, kung saan nagpataw ng mga tariff sa kanilang palitan ng mga produkto. Bahagi umano ito ng kampanya ni Trump sa paglutas sa “longtime abuse of the broken international system and unfair practices” ng China.

DUTERTE, KUMABIG SA CHINA

Sa gitna ng giriang ito ng dalawang makapangyarihang bansa, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi lalahok ang Pilipinas sa isasagawang military exercises ng US sa South China Sea, na sasabay ang naturang naval drills sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Maynila sa Nobyembre.

“The President said that we will not take part in that military exercise,” pahayag ng Malakanyang.

Ayon sa report, nakatakdang magsagawa ang US Navy Pacific Fleet ng military exercises sa South China Sea at dadalhin nito ang mga barko at eroplanong pandigma nito sa bahagi ng Taiwan Strait, na malapit sa teritoryo ng China, upang isulong ang “right of free passage in international waters.”

Sa kabila nito, para sa ilang eksperto, ang girian ng US at China ay hindi lamang tungkol sa usapin ng “freedom of navigation” at militarisasyon ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo.  Ito ay bahagi ng tunggalian ng isang nagpataw ng mga tariff laban sa most powerful nation in the world na may kinalaman sa pulitika, economiya, kultura, at imahe. Isa itong labanan para sa kontrol sa nasabing rehiyon, alinsunod sa kani-kaniyang interes, kung saan ang mananalo ay magkakaroon ng mas malaking impluwensya sa maraming bansa sa mundo.

Pambansa Slider Ticker China Indonesia Malaysia Pilipinas President Donald Trump South China Sea US US Navy Pacific Fleet US Vice-President Mike Pence Vietnam West Philippine Sea

Narating mo na ba ang Cleopatra’s Needle ng Pilipinas?

December 20, 2017 by Pinas News

Ni: Edmund Cunanan Gallanosa

NARINIG mo na ba ang Cleopatra’s Needle sa Pilipinas?  Kung ikaw ay nakarating na sa isla ng Palawan, sa bayan ng Puerto Princesa, maaaring nasulyapan mo na ang kabundukang nakapaligid dito, sa lugar na ito matatagpuan ang Cleopatra’s Needle.

Ang Cleopatra’s Needle ay isang ‘mystical mountain’ ng Palawan; mahiwaga ang bundok na ito sa maraming bagay. Makapal ang puno dito at hindi gaanong nararating ng mga tao sapagkat matarik at hindi madaling akyatin ang lugar na ito.   Sa tuktok, makikita ang mala-obelisk na rock formation kaya ito tinawag na ‘cleopatra’s needle.’ Mula sa itaas, kapag maganda ang panahon at maliwanag ang kalangitan, tanaw ang Honda Bay at Sulu Sea, pati na rin ang South China Sea at ang kabayanan ng Puerto Princesa. Nasa paanan ng Cleopatra’s Needle  ang entrada sa sikat na ‘Underground River’ ng Puerto Princesa , na sikat sa buong mundo.

Sa pagiging misteryoso ng lugar na ito hindi maaalis na maikumpara siya sa Mount Roraima ng Venezuela.  Mas kilala bilang Roraima Tepui o Cerro Roraima, ito ang isang mountain-plateau o flat sa ibabaw at nagsisilbing border ng tatlong bansa—Venezuela, Brazil at Guyana.  Dahil sa taas nito, bihira itong tahakin rin ng mga tao at ikinukunsiderang ‘lost world’ ang Roraima at sa paniwala ng iba, maaari pa nga raw may mga ‘living dinosaur’ pa ang lugar at mga kakaibang hayop na hindi pa nadidiskubre.

Makailang beses na rin na kinilala ng international world ang Palawan, partikular din ang kabundukan ng Cleopatra’s Needle.  Nasama pa nga ito sa listahan ng ‘Top Places to go to before you die,’ at ‘Top Mysterious Places in the World.’ 

Isa sa dahilan kung bakit ikinukunsidera na ‘mystical mountain’ ang lugar na ito ay sapagkat pinamumugaran ito ng maraming halaman at hayop na ang iba sa kanila ay hindi pa nasisilayan ng mga tao, o mga bagong ‘species’ na hindi pa nadidiskubre.  Sa katunayan, sa mga hayop ng Palawan na ‘endemic’ o matatagpuan lamang sa Palawan at wala sa ibang lugar, 85% rito ay matatagpuan sa Cleopatra’s Needle.  Talagang ‘big challenge’ ang pagtahak sa lugar at pagdiskubre sa 85% ito na maituturing na unique species ng bansa.

Sa dami ng ating mga kakaibang hayop at ibon sa ating bansa, 31 sa mga hayop nating ‘endangered and threatened’ ay matatagpuan sa Cleopatra’s Needle.  Sa isang banda, maituturing na masuwerte ang kinalalagyan ng 31 hayop na ito sapagkat hindi sila naiistorbo sa kagubatang ito—ani ng mga eksperto, sobrang makapal ang kagubatan, at malawak pa ang lugar na ‘uncharted’ o hindi pa nagagawaan ng ruta o mapa upang  matahak ang kaloob-looban nito.

Sa bilang naman na 279 bird species na matatagpuan sa Palawan, 27 naman ang matatagpuan lamang sa bansa at ilang dito ay nasa kagubatang ito, tulad ng Palawan hornbill, Palawan peacock pheasant, ang Palawan Scoops owl, at Palawan flycatcher. 

Sa 60 ‘terrestrial mammal species’ naman na nasa Palawan, at ang ilan dito ay matatagpuan lamang sa kagubatan ng Cleopatra’s Needle.  Ang sikat na Palawan bearcat o binturong, ang Palawan leopard cat, at ang Palawan flying squirrel ang ilan sa mga ito.

Pitcher plant
Kung papalarin kayo at magtatiyaga sa pag-akyat sa bundok ng Cleopatra’s Needle, ay maaari ninyong masulyapan ang maganda subalit pambihirang ‘pitcher plant’ tulad nito.  Isa itong carnivorous plant na kumakain ng mga insekto at maliliit na hayop.  May isang pambihirang specimen ng malaking pitcher plant na nadiskubre sa bundok na ito na kumakain ng mga hayop tulad ng daga at maliliit na unggoy.

 

Tatlong species ng Cycad palms, na makikita lamang sa Palawan, ay matatagpuan sa kagubatan ng Cleopatra’s Needle.  At isang species ng pitcher plant, ang nadiskubre sa gitna ng kagubatan.

Maraming siyantipiko ang namangha at natuwa nang makadiskubre ng bagong ‘species’ ng pitcher plant sa kagubatang ito.  Ang pitcher plant ay isang klase ng ‘carnivorous plant’ o kamangha-manghang halaman na kumakain ng insekto at hayop.  Tama, isa itong pambihirang ‘predatory plant,’ unique sa buong mundo.  Sa katunayan, sa Pilipinas din matatagpuan ang isang higanteng pitcher plant, na sa maniwala kayo sa hindi, ay kayang kumain ng isang maliit na unggoy.

Sa mga nais umakyat ng Cleopatra’s Needle, ito ay isang ‘very challenging hike’ na maaaring abutin ng 3-4 na araw.  Tatahakin ang ilang tawid-ilog, may lugar na mabato at asahan ang makakapal na kagubatan—malamig at may mga lugar na halos ‘di masinagan ng araw.  Ang kadalasang starting point ng trek ay ang Sitio Tagnaya sa Brgy. Concepcion.  Sa ikalawang araw ay maaaring maabot ang paanan ng Cleopatra’s Needle.  Sa ikatlong araw ay maaabot na ang summit nito.  Ang ikaapat at ikalimang araw naman ay ilalaan pabalik sa kabayanan.

Huwag kaligtaang magdala ng mga basic camping at hiking gear, first aid kit, at insect repellant.  Ang ibang hikers at mountaineers na sumusubok sa bundok na ito ay nagpapaturok ng anti-malaria upang makaiwas sa sakit na ito na dala ng lamok.  Higit sa lahat, mag-enjoy sa inyong pag-akyat at gawing personal na misyon na madiskubre ang mga nakatagong endemic species dito, at gawin ang buong karanasan bilang isang personal na achievement sa inyong buhay.

Buhay Slider Ticker ‘mystical mountain brazil Cerro Roraima Cleopatra’s Needle Edmund Cunanan Gallanosa Guyana Honda Bay Lost world Mount Roraima Palawan Palawan bearcat Palawan flycatcher Palawan flying squirrel Palawan hornbill Palawan leopard cat Palawan peacock pheasant Palawan Scoops owl Pilipinas Puerto Princesa Roraima Roraima Tepui Sitio Tagnaya sa Brgy. Concepcion South China Sea Sulu Sea Venezuela

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.