EUGENE FLORES
ISANG tagumpay muli ang naiuwi ng isang Filipina sa bansang Pilipinas matapos makuha ang siguradong ticket para sa 2020 Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan.
Nasungkit ni Pinay boxer Irish Magno ang kanyang sakay patungong Japan matapos dominahin si Sumaiya Qosimova sa 2020 Asia and Oceania Olympic boxing qualifying tournament na ginanap sa Amman, Jordan.
Si Magno ang kauna-unahang Pinay na makapasok para sa paparating na Olympics at ikalawang atleta mula sa isports ng boxing.
Naunang nakakuha ng slot para sa Olympics si Eumir Marcial at tuluyang kunin ang gintong medalya sa nasabing qualifying tournament.
Ang tagumpay ni Magno at Marcial ay malaking epekto para kay Nesthy Petecio para makasabay patungong Japan ngayong taon.
Naibawi rin ni Magno ang kanyang nabiting kampanya sa nagdaang South East Asian (SEA) Games na ginanap sa Pilipinas kung saan bigo niyang makuha ang ginto kontra sa Vietnamese na si Thi Tam Nguyen.
Malaking karangalan para sa bansa at lalo sa mga atleta ang marepresenta ang Pilipinas sa Olympics kung kaya’t mas uhaw ang mga ito para tuluyang makapag-uwi ng inaasam na kauna-unahang gintong medalya sa nasabing palaro.
“I’m so very happy I’m going to the Olympics. I just listened to my coach, they saw the fight of my opponent last time and they studied it,” wika ni Magno sa isang interview.