ADMAR VILANDO
PERSONAL na pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si South Korean President Moon Jae-In sa ipinagkaloob na tulong ng South Korea sa mga biktima ng lindol sa Mindanao na umaabot ng $100,000.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pagpapaabot ng pasasalamat sa kanilang bilateral meeting ni President Moon sa sidelines ng ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit.
Kasabay nito, tiniyak din ni Pangulong Duterte kay Moon ang patuloy na pagiging mag-partner ng Pilipinas at South Korea sa pagtataguyod ng kapayapaan at katatagan sa ASEAN region.
Ipinagmalaki rin ni Pangulong Duterte ang patuloy na paglakas ng ekonomiya ng Pilipinas kasabay ng trade relations ng dalawang bansa.
Katunayan aniya, ikaapat ang South Korea bilang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas noong 2018 kung saan nasa $13 billion dollar ang inabot ng trading deal ng dalawang bansa.